Ser Geybin, pansamantalang magpapahinga matapos isugod sa ospital dahil sa health scare
- Ibinahagi ng pamilya ni Ser Geybin ang tunay na dahilan ng kanyang pagkawala sa vlogs, matapos siyang isugod sa ospital dahil sa health scare na nagdulot ng matinding pag-aalala sa kanyang mga tagasuporta
- Ayon sa kanyang mga mahal sa buhay, bukod sa pisikal na emergency ay matagal nang pasan ni Ser Geybin ang mabigat na emosyonal na laban, kabilang ang stress, pressure, at lungkot na dulot ng responsibilidad sa pamilya at pagkawala ng kanyang ama
- Sa kabila ng kanyang masayahing imahe sa social media, inamin ng pamilya na may mga sandali si Ser Geybin na emotionally drained at hirap iproseso ang dami ng iniisip, kaya’t kailangan niyang magpahinga at mag-recover
- Humiling ang pamilya ng panalangin mula sa mga tagasuporta, at tiniyak na si Ser Geybin ay kasalukuyang nagpapahinga at nakapalibot sa kanyang pamilya, na umaasang babalik siya nang mas malakas at mas masaya sa tamang panahon
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagbigay ng update ang pamilya ni Ser Geybin tungkol sa tunay na dahilan ng kanyang pagkawala sa mga vlogs nitong mga nakaraang linggo. Ayon sa kanila, kamakailan lamang ay isinugod si Ser Geybin sa ospital matapos makaranas ng health scare. Ikinuwento nila kung paano nila siya natagpuan na hirap huminga, naninigas ang katawan, at tila walang kamalay-malay sa nangyayari.

Source: Facebook
Bukod sa pisikal na emergency, ibinahagi ng pamilya na matagal nang pasan ni Ser Geybin ang mabigat na emosyonal na laban. Sa kabila ng kanyang masayahing imahe sa social media, inamin ng pamilya na may mga sandali si Ser Geybin na emotionally drained at hirap iproseso ang dami ng iniisip. Ang bigat ng responsibilidad bilang tagapag-alaga ng pamilya, kasama ang sakit ng pagkawala ng kanyang ama, ay nagdulot ng matinding pressure at lungkot sa kanya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“Even those who constantly make others smile need support too,” paalala ng kanyang pamilya.
Sa ngayon, nagpapahinga si Ser Geybin at nakapalibot sa kanyang pamilya na patuloy na nagbibigay ng suporta. Humiling sila ng panalangin mula sa mga tagasuporta, at tiniyak na gagawin nila ang lahat upang matulungan siyang makabangon. Pansamantala siyang magpapahinga mula sa vlogging, ngunit umaasa ang pamilya na babalik siya nang mas malakas at mas masaya sa tamang panahon.
Si Ser Geybin ay kilala bilang isa sa mga content creator na nagbibigay ng saya at tawa sa milyon-milyong netizens. Sa kanyang mga vlogs, madalas siyang nagbabahagi ng nakakatawang eksena at creative content na naging paborito ng kanyang mga tagahanga. Ngunit sa likod ng kamera, gaya ng ibinahagi ng kanyang pamilya, ay may mga laban siyang hindi nakikita ng publiko.
Ang update na ito mula sa pamilya ni Ser Geybin ay nagbigay ng mas malinaw na larawan sa kanyang kalagayan. Sa mga nakaraang buwan, ilang kontrobersyal na isyu rin ang kinasangkutan ng vlogger na naging usap-usapan online.
Kamakailan, humingi ng tawad si Ser Geybin matapos mabatikos sa isang kontrobersyal na slide video. Ayon sa kanya, hindi niya intensyon na makasakit ng damdamin ng iba at ipinangako niyang magiging mas maingat sa kanyang content.
Sa isa pang artikulo, umalma si Rendon Labador sa paggamit ng bata sa di angkop na content ni Ser Geybin. Nagbigay siya ng matinding pahayag tungkol sa responsibilidad ng mga content creator sa kanilang mga ginagawa online.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

