Mommy Dionisia Pacquiao, may payo kay Carlos Yulo: "Mahalin mo ang nanay mo"

Mommy Dionisia Pacquiao, may payo kay Carlos Yulo: "Mahalin mo ang nanay mo"

- Nagbigay si Mommy Dionisia Pacquiao ng payo kay Carlos Yulo na mahalin ang kanyang ina

- Sa isang video message na ipinost sa Facebook, pinayuhan ni Mommy D si Yulo na wag magkimkim ng sama ng loob

- Ang mensahe ni Mommy D ay nag-viral at naging usap-usapan sa social media

- Kapansin-pansin ang kawalan ng pamilya ni Yulo sa mga mahahalagang okasyon tulad ng Heroes’ Welcome sa Malacañang

Sa gitna ng mga usap-usapang bumabalot sa pamilya ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, nagbigay ng payo si Mommy Dionisia Pacquiao, ang ina ng boxing legend na si Manny Pacquiao. Sa isang video message, pinayuhan ni Mommy D si Yulo na ipakita ang pagmamahal at paggalang sa kanyang ina, lalo na sa kabila ng mga kontrobersiyang kinakaharap nito.

Mommy Dionisia Pacquiao, may payo kay Carlos Yulo: "Mahal mo ang iyong ina"
Mommy Dionisia Pacquiao, may payo kay Carlos Yulo: "Mahal mo ang iyong ina"
Source: Facebook

“Dong, Carlos Yulo, mahalin mo ang nanay mo, wag kang magkimkim ng sama ng loob,” saad ni Mommy D. “Mahal na mahal ka sa mama mo, nanay mo. Mahalin mo siya. Mahal na mahal ka niya. Iyan ang payo ko sa iyo bilang nanay."

Read also

Sports Occupational therapist ni Carlos Yulo, nagpasalamat sa pagbuhos ng pagbati at suporta

Ang mensaheng ito ni Mommy D ay agad nag-viral, at umani ng iba't ibang reaksiyon mula sa netizens. Marami ang pumuri sa kanyang pagiging isang mapagmahal na ina, at ang ilan ay sumang-ayon sa kanyang payo na dapat pahalagahan ang mga magulang sa kabila ng anumang alitan o di pagkakaintindihan.

Sa kabila ng mga tagumpay ni Yulo sa larangan ng gymnastics, kapansin-pansin ang kawalan ng kanyang pamilya sa ilang mahahalagang okasyon, tulad ng Heroes’ Welcome sa para sa mga atleta.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nagpatuloy ang diskusyon online, kung saan pinagnilayan ng marami ang halaga ng pamilya at ang pangangailangang manatiling buo at nagkakaisa, lalo na sa harap ng mga pagsubok. Sa kabila ng lahat, nananatiling tahimik si Yulo hinggil sa mga isyung ito, at wala pang pahayag mula sa kanyang kampo tungkol sa mga sinabi ni Mommy D.

Read also

Jessy Mendiola, sinupalpal ang basher na nagkomento tungkol sa eyebags ni Rosie

Si Carlos Edriel Yulo ay isang kilalang gymnast mula sa Pilipinas na nagpakitang-gilas sa mga gymnastics competitions, lalo na sa floor exercise at vault. Bata pa lamang si Yulo nang magsimula siyang mag-ensayo, at nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, kung saan higit pang nahasa ang kanyang kakayahan. Siya ang unang Pilipino na nagwagi ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.

Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang gymnast at lalaking atleta mula sa Pilipinas na nag-uwi ng gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang alitan dahil sa kasintahan ni Carlos na si Chloe San Jose.

Sa kabila ng mga paratang na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng kanyang post, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling ng kopya para sa kanyang reference.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate