Rendon Labador, tinawag na duwag si Marc Pingris kaugnay sa hamon nito

Rendon Labador, tinawag na duwag si Marc Pingris kaugnay sa hamon nito

- Agad na sumagot si Rendon Labador sa hamon ni Marc Pingris sa kanya sa isang one on one match

- Sa isang video ay sinabi ni Rendon na siguruduhin umano nito kung sino ang hinahamon niya

- Tinawag pa niyang duwag si Marc dahil hindi umano ito nagpaparamdam matapos niyang pumalag sa hamon nito

- Aniya, dapat ay may camera talaga para umano ay wasakan ng dangal at makita ng buong mundo sino pinakamalakas

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tinawag ni Rendon Labador si Marc Pingris na duwag matapos umano nitong hindi magparamdam sa kanya kasunod ng hamon nito na 1 on 1 match kay Rendon. Dagdag pa niya, dapat ay umano may camera talaga para umano ay wasakan ng dangal at makita ng buong mundo sino pinakamalakas

Rendon Labador, tinawag na duwag si Marc Pingris kaugnay sa hamon nito
Rendon Labador, tinawag na duwag si Marc Pingris kaugnay sa hamon nito (facebook.com/rendonlabadorfitness)
Source: Facebook

Sa kanyang mga Facebook post ay sunod-sunod ang mga pahayag ni Rendon kaugnay sa hamon sa kanya. Inudyukan niya rin ang mga netizens na huwag magalit sa kanya dahil aniya ay pumalag lang siya sa hamon.

Read also

Marc Pingris kay Rendon Labador: 1 on 1 tayo, pupuntahan kita

Guys huwag kayo magalit. Ako yung hinamon, pumalag lang ako kasi hindi naman ako duwag sa basketball. Nanahimik ako dito last week lang.
Nasan na ba yung nag hahamon ng 1V1?

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dapat may camera para wasakan ng dangal, makita ng buong mundo sino pinaka malakas.

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Matatandaang hinamon ni Kiko Matos ang influencer na si Rendon para sa isang one-on-one. Nasabi na rin nito sa isang video na handa siyang magdemanda sa tinaguriang motivational speaker. Kaugnay ito sa pagsapak sa kanya ni Rendon pagkatapos ng basketball match ni Rendon at isa pang YouTuber. Si Kiko ay naroroon din sa venue para magsilbing commentator sa nasabing match.

Read also

Payo ni Pambansang Kolokoy noon, muling binalikan ng netizens

Matapos ang pag-viral ng pagsampal niya kay Kiko Matos, naglabas ng kanyang pahayag si Rendon. Nilinaw niyang walang kinalaman ang lahat ng affiliations niya at mga produktong iniendorso niya. Naiintindihan niyang karapatan ni Kiko na magdemanda dahil sa kanyang nagawa sa naganap na Battle of the YouTubers: Rendon vs. Jonah. Hindi niya umano pino-promote ang violence at hindi siya proud sa kanyang ginawa ngunit nais niyang ibahagi ang mensahe sa mga tao na huwag hayaang tapakan ng ibang tao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate