Sen. Ping Lacson, magbibitiw na raw bilang chair ng Senate Blue Ribbon Committee
- Senator Ping Lacson, nagbitiw bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee
- And naturang desisyon ay dahil sa umano’y pagkadismaya ng ilang senador sa paghawak niya ng imbestigasyon sa flood control projects
- Sinabi naman niyang patuloy pa rin siyang lalaban sa korapsyon kahit wala na sa puwesto
- Nilinaw din niya na hindi niya pinoprotektahan ang mga kongresista sa isyu
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Facebook
Nagdesisyon si Senator Ping Lacson na bumaba bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ito ay matapos magpahayag ng pagkadismaya ang ilang senador sa paraan ng kanyang paghawak sa imbestigasyon tungkol sa umano’y iregularidad sa mga flood control projects.
Ayon kay Lacson, iginagalang niya ang sentimyento ng kanyang mga kasamahan.
Paliwanag niya, ang mga committee chair ay nagsisilbi sa tiwala at kagustuhan ng kapwa senador.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dahil dito, minabuti niyang magbitiw upang bigyang-daan ang iba na maaaring mas maayos na makapamuno.
Sa isang radio interview, sinabi ni Lacson na ginagawa na niya ang kanyang resignation letter at posibleng isumite ito sa plenary sa pagbabalik ng sesyon.
Nilinaw niya na hindi titigil ang kanyang laban kontra korapsyon kahit wala na siya sa puwesto.
Aniya, magpapatuloy siyang lumaban sa maling paggamit ng pondo ng bayan tulad ng ginagawa niya sa mga nakaraang taon ng serbisyo publiko.
Pinabulaanan din niya ang mga alegasyong pinoprotektahan niya ang mga kongresista habang pinupuna naman ang ilang senador.
Samantala, sinabi ni Senate President Tito Sotto III na kakausapin muna niya si Lacson bago magbigay ng komento sa isyu.
Naugnay muli sa kontrobersiya si Lacson matapos i-repost ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga ang lumang larawan niya kasama ang mga kontratista na sina Curlee at Sarah Discaya.
Nilinaw ni Lacson na kuha ang larawan noong matapos ang kampanya noong 2025 at hindi siya kailanman tumanggap ng donasyon mula sa pamilya.
Tignan ang post na ito:
Bago pa man maging Senate President Pro Tempore, kilala na si Panfilo “Ping” Lacson bilang dating hepe ng Philippine National Police at bilang isa sa mga pinakamatatag na tinig laban sa korapsyon. Bilang chairman ng Blue Ribbon Committee, madalas siyang nakikita sa mga high-profile investigations sa Senado. Ang kanyang panawagan na suriin ang credibility ng mga testigo ay tugma sa kanyang reputasyon bilang mahigpit at detalyadong imbestigador.
Kamakailan lang, kinumpirma ni Sen. Ping Lacson na personal siyang binisita ng isang opisyal ng WJ Construction sa Senado. Ayon kay Lacson, ang nasabing opisyal ay nagbigay ng mga dokumentong may kinalaman umano sa flood control projects na kasalukuyang iniimbestigahan ng Blue Ribbon Committee. Dagdag pa niya, nakikipag-ugnayan siya para matiyak na makukumpleto ang lahat ng detalye na makakatulong sa pag-usad ng imbestigasyon.
Ipinahayag ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na isasailalim sa masusing background check si Orly Regala Guteza, ang biglaang lumutang na testigo sa Senate Blue Ribbon hearing. Ayon kay Lacson, walang abiso o notice na ibinigay sa kanya bilang chairman ng komite bago iharap si Guteza na nagpakilalang dating Marine at ex-security consultant ni Rep. Elizaldy Co. Sa testimonya, inihayag ni Guteza na siya raw mismo ang nagdala ng mga maletang puno ng “basura” o kickbacks para kina Co at dating Speaker Martin Romualdez. Mariin namang itinanggi ni Atty. Petchie Rose Espera na siya ang nag-notaryo ng affidavit ni Guteza, habang si Romualdez naman ay tinawag na “false” ang lahat ng alegasyon laban sa kanya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh