Rep. Ralph Tulfo, pinaliwanag ang P6.7M na ginastos sa isang party na ginanap sa Las Vegas

Rep. Ralph Tulfo, pinaliwanag ang P6.7M na ginastos sa isang party na ginanap sa Las Vegas

  • Rep. Ralph Tulfo, umamin na gumastos ng halos P6.7M sa isang club sa Las Vegas noong Disyembre 2023
  • Ipinaliwanag niya na ito ay para sa isang pribadong salu-salo kasama ang mga kaibigan
  • Nilinaw niyang hindi pondo ng gobyerno ang ginamit at humingi siya ng paumanhin
  • Nangakong mas magiging maingat lalo na sa bagong yugto ng kanyang buhay bilang malapit nang mag-asawa

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Congressman Ralph Tulfo on Facebook
Congressman Ralph Tulfo on Facebook
Source: Facebook

Kinumpirma ni Quezon City 2nd District Rep. Ralph Tulfo na gumastos siya ng halos P6.7 milyon sa isang club sa Las Vegas noong Disyembre 2023.

Kumalat ang mga video na nagpapakita sa kanya habang nag-eenjoy at umiinom kasama ang mga kaibigan.

Makikita rin sa video ang mga resibo na umabot ng milyon ang halaga.

Ayon kay Tulfo, pribadong selebrasyon iyon para sa Pasko at Bagong Taon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag niya, may magandang balitang natanggap ang kanyang mga kaibigan kaya sila nagdiwang.

Nilinaw din niyang siya ang gumamit ng credit card ngunit nag-ambag ang mga kaibigan sa kabuuang gastos.

Read also

Gladys Reyes, humingi ng paumanhin sa mga naka-eksenang guard sa 'Cruz vs Cruz'

Humingi siya ng paumanhin at inamin na hindi maganda ang naging dating ng video sa publiko.

Sinabi rin niyang wala silang ginamit na pera ng bayan o pondo ng gobyerno.

Nauunawaan niya ang reaksiyon ng mga Pilipino, lalo na sa panahon na mahigpit ang pagbabantay sa mga opisyal.

Dagdag pa niya, magsisilbi itong aral para maging mas maingat lalo na’t papasok na siya sa buhay may-asawa.

Nanindigan din siya laban sa korapsyon at nanawagan na huwag ilihis ang atensyon mula sa mga abusadong opisyal. Sa huli, muli siyang humingi ng pang-unawa mula sa publiko.

Siya ay anak nina Sen. Raffy Tulfo at ACT-CIS Rep. Jocelyn Tulfo.

Nauna na rin siyang nasangkot sa isyu noong nahuli siyang gumamit ng EDSA bus lane, kung saan nagbayad siya ng multa at dumalo sa seminar tungkol sa batas trapiko.

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Read also

Alexa Miro, emosyonal na nagsalita tungkol sa breakup nila ni Sandro Marcos

Si Quezon City 2nd District Rep. Ralph Tulfo ay anak ni Senator Raffy Tulfo, isang kilalang Filipino journalist, television personality, at kasalukuyang senador ng Pilipinas. Ipinanganak siya noong Marso 12, 1960, at nakilala bilang “King of Public Service” dahil sa kanyang mga programa na tumutulong sa mga karaniwang mamamayan na maresolba ang kanilang mga problema, lalo na ang may kinalaman sa legal at family matters.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, inamin ni Senator Raffy Tulfo na ang anak niyang si Quezon City Rep. Ralph Wendel Tulfo ay nahuling gumamit ng EDSA Busway. Pinagsabihan ng senador ang anak at pinuri ito sa pag-amin ng pagkakamali at paghingi ng tawad. Ipinaliwanag niya na mahalaga ang pananagutan, lalo na para sa mga lingkod-bayan. Nangako naman si Rep. Ralph Wendel Tulfo na mas magiging maingat siya sa pagsunod sa mga batas-trapiko.

Sa isa pang viral na balita tungkol sa kanya at sa EDSA Busway, nag-live si Sen. Raffy Tulfo at ibinunyag ang umano’y nalalaman niya tungkol sa viral na puting SUV sa EDSA bus lane. Sa live broadcast sa ABS-CBN, hinikayat ng senador ang pasahero ng SUV na lumantad dahil lahat ng 24 na senador ay hinuhusgahan ng publiko. Sinabi rin niya na alam niyang kamag-anak ng isang senador ang sakay ng SUV, ngunit hindi mismo ang senador ang nasa loob ng sasakyan nang mangyari ang insidente. Ipinahayag din ng senador ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari tungkol sa diumano’y tunay na pasahero ng puting SUV.

Read also

Pokwang: "Lord, kailan nyo po tutuparin ang wish ni Kara David?”

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: