Sen. Bong Revilla, nagpasalamat sa Sto. Niño matapos makaligtas sa helicopter emergency landing

Sen. Bong Revilla, nagpasalamat sa Sto. Niño matapos makaligtas sa helicopter emergency landing

- Nagpamisa si Senador Bong Revilla sa kanilang tahanan sa Bacoor, Cavite upang magpasalamat matapos makaligtas sa helicopter emergency landing sa Cebu

- Kasama niyang nagsimba ang kaniyang pamilya at buong staff na laging kasama sa pangangampanya

- Ayon kay Sen. Bong, isang saranggola ang pumulupot sa tail motor ng chopper na naging sanhi ng emergency landing

- Naniniwala ang senador na himala ng Sto. Niño ang nagligtas sa kanila dahil sa pagkakababa ng chopper malapit sa isang chapel ng Sto. Niño

Nagpamisa si Senador Ramon "Bong" Revilla, Jr. sa kanilang tahanan sa Bacoor, Cavite upang magpasalamat sa kaligtasan matapos ang nangyaring emergency landing ng sinasakyan nilang helicopter sa Cebu.

Sen. Bong Revilla, nagpasalamat sa Sto. Niño matapos makaligtas sa helicopter emergency landing
Sen. Bong Revilla, nagpasalamat sa Sto. Niño matapos makaligtas sa helicopter emergency landing (Bong Revilla/IG)
Source: Facebook

Ayon sa ulat ni Gorgy Rula ng Philippine Star Pang-masa, kasama ni Sen. Bong sa misa ang kanyang asawang si Cong. Lani Mercado, at mga anak na sina Bryan, Atty. Inah del Rosario, at Cong. Jolo Revilla. Dumalo rin ang buong staff ng senador, kabilang ang mga madalas niyang kasama sa pangangampanya.

Read also

Liza Diño-Seguerra, nawalan ng mamahaling relo at laptop sa kanyang checked-in luggage sa NAIA

Ayon kay Sen. Bong, ilang beses na siyang nagkaroon ng aberya sa himpapawid sa mga nakaraang eleksyon, ngunit iba raw ang takot na naramdaman niya sa insidente noong Biyernes.

“Merong huminto ‘yung propeller ng eroplano, ‘yung umuusok dun sa eroplano. Pero ito naman iba, sa chopper. ‘Yung tail motor, natamaan ng saranggola. ‘Yung tali pumulupot dun sa tail motor,” paglalahad ng senador. Mabuti na lamang daw at agad na naramdaman ng piloto ang kakaibang tunog ng chopper kaya’t nakapag-emergency landing sila sa ligtas na lugar.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naniniwala si Sen. Bong na milagro ng Mahal na Sto. Niño ang nagligtas sa kanila dahil sa mismong lugar na pinaglapagan ng helicopter ay may chapel ng Sto. Niño. “Alam mo parang naghimala si Mahal na Sto. Niño. Palagi ako nandun e. ‘Yung Mahal na Sto. Niño, nung bumaba ‘yung chopper, dun sa side mismo nandun ‘yung chapel ng Sto. Niño. Siya ‘yung unang-unang nakita ko dun habang bumababa ‘yung chopper,” ani ng senador.

Read also

Babae, arestado dahil sa shoplifting ng mga gamit na nagkakahalaga ng P12,000

Sinabi rin ni Sen. Bong na tila binigyan pa siya ng Diyos ng pagkakataong magpatuloy sa kanyang misyon sa mundo. “It’s not yet my time,” aniya pa.

Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang pangangampanya ng senador para sa nalalapit na eleksyon. Nakakatuwa rin daw para sa kanya na marami ang tumatawag sa kanya ng “Tolomeee,” ang pangalan ng kanyang karakter sa seryeng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis. Ibinahagi rin niya na magbabalik ang nasabing programa nila ni Beauty Gonzalez, na tumutulong din sa kanyang kampanya.

Si Ramon "Bong" Revilla, Jr. ay isang kilalang aktor at politiko sa Pilipinas. Nagsimula ang kaniyang karera sa showbiz noong dekada ‘80 at naging isa sa pinakasikat na action stars ng bansa. Pinasok niya ang politika noong 1995 bilang Vice Governor ng Cavite, at kalaunan ay naging Gobernador ng lalawigan.

Umapela si Senador Bong Revilla kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos na muling pag-aralan ang desisyon ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) na panatilihin ang suspensyon ng noontime show na "It's Showtime." Binanggit ng senador ang kalagayan ng maraming manggagawa ng programa na maaaring mawalan ng kabuhayan sa loob ng labindalawang araw.

Read also

Taxi driver sa cebu, hinoldap ng isang lalaking nag-"sorry" bago magnakaw

Nagpasalamat ang beteranang showbiz columnist na si Lolit Solis kay Senador Bong Revilla matapos nitong bayaran ang kanyang hospital bill na umabot sa ₱250,000. Na-ospital si Solis ng sampung araw dahil sa pneumonia kasabay ng kanyang patuloy na dialysis sessions para sa sakit sa bato. Ibinahagi ni Solis ang kanyang pasasalamat sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: