Honeylet Avanceña, nanawagan para kay FPRRD: "Tulong mga Pilipino, Tulong!"
- May panawagan si Honeylet Avanceña sa mga supporters ng kanyang partner na si dating pangulo Rodrigo Duterte
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
- Hindi niya napigilang maging emosyonal nang maglabas ng saloobin tungkol sa sinapit ng dating pangulo
- Nanawagan din siya sa mga supporters nila na patuloy na ipagdasal ang pagbabalik ni FPRRD
- Marso 11 nang inaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte at hindi nagtagal ay dinala sa The Hague sa Netherlands kung saan matatagpuan ang headquarters ng International Criminal court
Emosyonal na nagbigay ng pahayag ang common law wife ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña.

Source: Facebook
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa video ng SMNI Live na binahagi rin ng Wow Davao, hindi mapigil ni Avanceña ang pagluha habang nilalarawan ang dating pangulo.Sa video ng SMNI Live na binahagi rin ng Wow Davao, hindi mapigil ni Avanceña ang pagluha habang nilalarawan ang dating pangulo.
Buti sana kung naging abusado siya noong presidente pa siya.
Hindi siya nang-abuso, nagpakumbaba siya kahit presidente na siya. makikita niyo siya kung paano makitungo sa tao.
"Naawa ako kasi pagkain na lang naman ang gusto niya. Hindi na siya materialistic. wala siyang pakialam kung may pera siya o wala. Wala rin siyang pakialam sa suot niya kahit luma na. Hindi ko alam kung paano ako tumulong. Kahit awa na lang sana," ang bahagi ng naging pahayag nd partner ni FPRRD.
Nagmamakaawa lang ako. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko talaga alam. Maawa lang ako khit pagkain lang. habang ang iba, nangangarap ng mansyon, siya hindi. Diyos ko ewan ko nalang.
Nanawagan din siya ng patuloy na pagdarasal hanggang sa makabalik ang dating pangulo sa bansa.
Nakikiusap ako sa inyo, huwag kayong titigil hangga't hindi siya nakakabalik. Huwag kayong hihinto, hindi tayo titigil. Please continue to pray for him and for us na malampasan namin ito.
Tulong, mga Pilipino, Tulong
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:
Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte ay ang ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas na nanungkulan mula Hunyo 30, 2016 hanggang Hunyo 30, 2022. Bago siya maging pangulo, nagsilbi siya bilang alkalde ng Davao City sa loob ng mahigit 22 taon, kung saan siya nakilala dahil sa kanyang kampanya laban sa krimen at iligal na droga.
Ang kanyang anak na si Sara Duterte ang kasalukuyang pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Minsan na rin siyang naging Kalihim ng Kagawaran ng edukasyon subalit hindi nagtagal ay pinalitan na rin siya ng kasalukuyang kahilim na si Senator Sonny Angara.
Sa kasagsagan ng mga kaganapan sa pag-aresto sa dating pangulong Duterte, nagpalit ng profile picture si VP Sara na tila may panawagan para sa ama. Makikita roon ang pulang laso na may katagang "Bring PRRD Home" at ang hand sign na simbolo ng pakikiisa ng kanilan mga supporters.

Read also
Common law wife ni dating Pangulo Rodrigo Duterte, emosyonal na nagbigay pahayag sa publiko
Matapos na lumipad ang ama sa The Hague, agad na sumunod si VP Sara at ilan pa niyang kasama sa Netherlands upang mabigyang suporta ang ama. Kamakailan, ibinahagi ng bise presidente ang mensahe ng kanyang ama sa kanilang mga supporters.
Samantala, isa rin sa mga anak ng dating pangulo na si Kitty Duterte ay naglabas ng pagsuporta sa pinagdaraanan ng kanilang ama sa ngayon. Bukod sa pagbibigay ng updates ukol sa kalagayan umano ngayon ni dating Pangulong Duterte, naglabas din ng emosyonal na post si Kitty kung saan sinabi nito kung gaano siya ka-proud sa pagiging isang 'Duterte.' Hayagan din nitong nasabi kung gaano niya kamahal ang kanyang ama.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh