Common law wife ni dating Pangulo Rodrigo Duterte, emosyonal na nagbigay pahayag sa publiko

Common law wife ni dating Pangulo Rodrigo Duterte, emosyonal na nagbigay pahayag sa publiko

- Naglabas ng saloobin ang common law wife ni dating Pangulo Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña

- Sa video na ibinahagi ng Wow Davao mula sa SMNI live, hindi napigilang maging emosyonal ng partner ng dating pangulo

- Hindi umano deserve ni dating pangulong Duterte ang naging partrato sa kanya sa kanyang pagkakadakip noong Marso 11

- Sa ngayon, nasa The Hague pa rin ang dating pangulo kung saan ang headquarters ng International Criminal Court

Emosyonal na naglabas ng saloobin si Honeylet Avanceña, ang common law wife ni dating Pangulo Rodrigo Duterte.

Honeylet Avanceña
Common law wife ni dating Pangulo Rodrigo Duterte, emosyonal na nagbigay pahayag sa publiko (SMNI Live/ Wow Davao)
Source: Facebook

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ito ay kaugnay pa rin ng pagkakaresto sa dating pangulo noong Marso 11 na para kanila ay maituturing umanong 'abuso' at kidnapping.Ito ay kaugnay pa rin ng pagkakaresto sa dating pangulo noong Marso 11 na para kanila ay maituturing umanong 'abuso' at kidnapping.

Sa panayam sa kanya ng SMNI live na ibinahagi naman ng Wow Davao, naglabas ng saloobin si Avanceña kung saan nangingibabaw ang awa sa dating pangulo.

Read also

VP Sara, ibinihagi ang mensahe ng kanyang amang si FPRRD sa kanilang supporters

"He doesn't deserve this kind of treatment. Ayaw na nga sana niyang magtrabaho, tumakbo sa pulitika pero ang mga tao ang patuloy na nagpupumilit sa kanya. Dahil naranasan niyo ang klase ng pamumunong ibinigay niya," naluluhang nasabi ni Avanceña.

"You may find his mouth very foul... Nagiging matapang lang siya. naalala ko nung sinabi ko sa kanya, na ayusin ang Ilog Pasig. Sinabi ko pa, madali lang naman 'yan. magtapang-tapangan ka lang. ganoon lang talaga siya. Pero ang tapang niya, may resulta," pagbabalik tanaw pa niya sa isa sa mga nagawa ng dating pangulo.

"Buti sana kung naging abusado siya noong presidente pa siya."

Buti sana kung naging abusado siya noong presidente pa siya. Buti sana kung naging abusado siya noong presidente pa siya.

"Hindi siya nang-abuso, nagpakumbaba siya kahit presidente na siya. makikita niyo siya kung paano makitungo sa tao."

Aniya, pagkain na lamang ang nais ni FPRRD at hindi na nito hanap ang anumang materyal na bagay.

Read also

Final viewing ng 'Luxx White' Frontrow headquarters, agaw eksena online

"Naawa ako kasi pagkain na lang naman ang gusto niya.Hindi na siya materialistic. wala siyang pakialam kung may pera siya o wala. Wala rin siyang pakialam sa suot niya kahit luma na."
"Mas mabuti pang pinatay niyo siya doon. Kinidnap niyo siya.. Wala siyag kahit ano. Wala nga siya gamot. Dahil galing kami sa Hong Kong good for three days lang ang nadala niya pati mga gamit. Grabeng abuso. Wala kaming laban."
"Grabe, hindi siya nagpapaputok ng baril. Wala siyang binaril, wala siyang sinaksak. Siya, daw ang mga akusasyon? Nasaan naman daw ang siyam?"

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte ay ang ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas na nanungkulan mula Hunyo 30, 2016 hanggang Hunyo 30, 2022. Bago siya maging pangulo, nagsilbi siya bilang alkalde ng Davao City sa loob ng mahigit 22 taon, kung saan siya nakilala dahil sa kanyang kampanya laban sa krimen at iligal na droga.

Read also

Kim Chiu, sumagot matapos humingi ng dispensa ng isang netizen sa kanya

Ang kanyang anak na si Sara Duterte ang kasalukuyang pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Minsan na rin siyang naging Kalihim ng Kagawaran ng edukasyon subalit hindi nagtagal ay pinalitan na rin siya ng kasalukuyang kahilim na si Senator Sonny Angara.

Sa kasagsagan ng mga kaganapan sa pag-aresto sa dating pangulong Duterte, nagpalit ng profile picture si VP Sara na tila may panawagan para sa ama. Makikita roon ang pulang laso na may katagang "Bring PRRD Home" at ang hand sign na simbolo ng pakikiisa ng kanilan mga supporters.

Matapos na lumipad ang ama sa The Hague, agad na sumunod si VP Sara at ilan pa niyang kasama sa Netherlands upang mabigyang suporta ang ama.

Samantala, isa rin sa mga anak ng dating pangulo na si Kitty Duterte ay naglabas ng pagsuporta sa pinagdaraanan ng kanilang ama sa ngayon. Bukod sa pagbibigay ng updates ukol sa kalagayan umano ngayon ni dating Pangulong Duterte, naglabas din ng emosyonal na post si Kitty kung saan sinabi nito kung gaano siya ka-proud sa pagiging isang 'Duterte.' Hayagan din nitong nasabi kung gaano niya kamahal ang kanyang ama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica