Loren Legarda, sinamahan ng anak na si Leandro sa kanyang proklamasyon bilang senador
- Kasama ni Senator Loren Legarda ang kanyang anak na si Leandro sa kanyang proklamasyon
- May 18 nang maganap ang nasabing proklamasyon sa 12 mga bagong-halal na senador
- Sa kanyang speech, pinasalamatan at binanggit niya mismo ang pangalan ng anak na si Leandro habang ang iba ay binaggit na lamang niya bilang 'buong pamilya'
- Bago ang Halalan, naging kontrobersyal si Legarda dahil sa naging pahayag sa kanya ng anak niyang si Lorenzo kaugnay sa pakikipag-alyansa ng senador sa Marcos-Duterte tandem
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Naiproklama na ng Commission on Elections ang nahalal na 12 senador mula sa May 9 elections.
Nalaman ng KAMI na kabilang dito si Senator Loren Legarda na sinamahan ng kanyang anak na si Leandro.
Sa video ng nasabing proklamasyon, makikitang napayapos pa si Legarda sa anak nang samahan siya nito sa entablado.
Sa kanyang speech, pinasalamatan niya ang ama at ina na sa kabila ng mga edad nito ay nagawa pa siyang ikampanya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Gayundin ang anak niyang si Leandro na binanggit pa mismo ang pangalan at sinundan na lamang ito ng "sa buong pamilya ko."
Matatandaang naging kontrobersyal si Legarda ilang araw bago ang Halalan dahil sa naging pahayag sa kanya ng isa pang anak na si Lorenzo.
Naibahagi ng Rappler ang naturang pahayag na nagsasabi ng saloobin ni Lorenzo sa pakikipag-alyansa ng ina sa Marcos-Duterte tandem.
Si Lorna Regina "Loren" Bautista Legarda ay isang Filipina politician, environmentalist, cultural worker at dating batikang journalist. Mula 1998 hanggang 2004 at mula 2007 hanggang 2019, naglingkod siya bilang senador ng bansa. At ngayon, pumangalawa pa si Legarda sa 12 senador na nahalal sa 2022 Elections.
Samantala, nanguna naman sa senatorial race ang aktor na si Robin Padilla. Kasama nila ni Legarda na pumasok sa Magic 12 sina Raffy Tulfo, Sherwin Gatchalian, Chiz Escudero, Mark Villar, Alan Peter Cayetano, Juan Miguel Zubiri, Joel Villanueva, JV Estrada Ejercito, Risa Hontiveros at Jinggoy Estrada.
Mayo 9, 2022 nang ganapin ang National at Local Elections sa Pilipinas. Ilang oras matapos na isara ang botohan, mabilis na nakapag-transmit ng resulta ang mga Electoral Board members kung saan malaki agad umano ang naging lamang ni Bongbong Marcos sa mahigpit niyang katunggali na si Vice President Leni Robredo.
Source: KAMI.com.gh