Teddy Baguilat, makulit na sinabing kailangan nilang 'magpasikat o mag-artista'
- May patutsada si Teddy Baguilat Jr. patungkol sa pag-aaral ng ilang bagong senador
- Matatandaang si Baguilat ay isa sa mga senatoriables sa 'Tropang Angat' ni VP Leni Robredo
- Ayon kay Baguilat, tila kinakailangan naman nilang magpasikat o mag-artista
- Ito ay matapos na magpahayag ni Raffy Tulfo at ni Robin Padilla na mag-aaral umano upang maging epektibo ang trabaho nilang gagampanan bilang senador
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Tila may 'hugot' ang dating senatoriable ng 'Tropang Angat' na si Teddy Baguilat Jr.
Nalaman ng KAMI na nag-tweet si Baguilat matapos na malamang mag-aaral umano si Raffy Tulfo at Robin Padilla na pawang mga bagong halal na senador ng bansa.
"Good that sina Sen Raffy and Sen Robin e mag aaral ng public ad para sa Senado. Kami naman na dati ng aral sa government e Kailangan naman magpasikat o mag artista. Charot. Hehe"
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kasama ng tweet na ito ang quote kay Raffy Tulfo kung saan nasabi nitong mag-aaral siya at kukuha ng kursong Public Administration.
Bagama't alam daw niya ang kanyang mga batas na nais ipatupad base sa kanyang karanasan, aminado siyang kailangan pa rin niyang matuto.
Samantala, sa isang pahayag din ni Senator Franklin Drilon, sinabi nitong bilang senador, nararapat talagang mag-aral lalo na at nakatutok umano ang buong bansa sa kanila.
Mayo 9, 2022 nang ganapin ang National at Local Elections sa Pilipinas. Ilang oras matapos na isara ang botohan, mabilis na nakapag-transmit ng resulta ang mga Electoral Board members kung saan malaki agad umano ang naging lamang ni Bongbong Marcos sa mahigpit niyang katunggali na si Vice President Leni Robredo.
Agad ding nanguna sa mga senatoriables si Robin Padilla na sinundan naman nina Loren Legarda at Raffy Tulfo.
Nag-concede naman na sina Mayor Isko Moreno at Senator Manny Pacquiao na pangatlo at pang-apat na pwesto sa bilang ng mga tumatakbong pangulo.
Nagbigay pa ng mensahe si Pacquiao sa inaasahang magiging susunod na pangulo ng bansa na si Bongbong Marcos.
Samantala, nanguna naman sa senatorial race ang aktor na si Robin Padilla. Kasama niyang pumasok sa Magic 12 sina Loren Legarda, Raffy Tulfo, Sherwin Gatchalian, Chiz Escudero, Mark Villar, Alan Peter Cayetano, Juan Miguel Zubiri, Joel Villanueva, JV Estrada Ejercito, Risa Hontiveros at Jinggoy Estrada.
Source: KAMI.com.gh