Senator Drilon, may payo sa mga kapwa senador; "Unang una, mag-aral po kayo"

Senator Drilon, may payo sa mga kapwa senador; "Unang una, mag-aral po kayo"

- Nagbigay ng payo si Senator Franklin Drilon sa mga bagong halal na senador

- Aniya kinakailangang mag-aral ng mga ito at nilarawan niya ang kanilang sitwasyon na parang nasa 'aquarium'

- Dagdag pa niya, buong bansa ay nakatingin sa kanilang dalawampu't apat na mga senador

- Nito lamang May 18, ginanap sa Comelec ang proklamasyon ng 'Magic 12' bagong halal na senador

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagbigay payo si Senator Franklin Drilon sa mga nahalal at nakapasok sa senado sa katatapos lamang na halalan noong Mayo 9.

Senator Drilon, may payo sa mga kapwa senador; "Unang una, mag-aral po kayo"
Photo: Senator Franklin Drilon
Source: Facebook

Sa panayam sa kanya ng 'Sa Totoo Lang' ng One PH, nagbigay ng pahayg si Senator Drilon sa mga makakasama niyang bago at maging ang betarano nang senador.

"Unang-una, 'wag nating kalimutan na ang mga senador ay parang nasa aquarium 'yan eh. Dalawampu't apat lamang. Buong bansa nakatingin sa kanila."

Read also

Kylie Versoza, pinasalamatan si Jake Cuenca sa inspirasyon umano nito sa buhay niya

"Kaya ang aking payo sa aking mga kasamahan, unang-una mag-aral po kayo. Kung hindi tayo mag-aaral ay baka mapahiya tayo,"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ng One News:

Mayo 9, 2022 nang ganapin ang National at Local Elections sa Pilipinas. Ilang oras matapos na isara ang botohan, mabilis na nakapag-transmit ng resulta ang mga Electoral Board members kung saan malaki agad umano ang naging lamang ni Bongbong Marcos sa mahigpit niyang katunggali na si Vice President Leni Robredo.

Agad ding nanguna sa mga senatoriables si Robin Padilla na sinundan naman nina Loren Legarda at Raffy Tulfo.

Nag-concede naman na sina Mayor Isko Moreno at Senator Manny Pacquiao na pangatlo at pang-apat na pwesto sa bilang ng mga tumatakbong pangulo.

Nagbigay pa ng mensahe si Pacquiao sa inaasahang magiging susunod na pangulo ng bansa na si Bongbong Marcos.

Samantala, nanguna naman sa senatorial race ang aktor na si Robin Padilla. Kasama niyang pumasok sa Magic 12 sina Loren Legarda, Raffy Tulfo, Sherwin Gatchalian, Chiz Escudero, Mark Villar, Alan Peter Cayetano, Juan Miguel Zubiri, Joel Villanueva, JV Estrada Ejercito, Risa Hontiveros at Jinggoy Estrada.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: