Market vendor, inspirasyon ang hatid matapos manalong Mayor ng Dolores
- Marami ang na-inspire sa isang tindero sa palengke na nagwagi bilang mayor sa Dolores, Eastern Samar
- Lamang siya ng mahigit limang daang boto sa katunggali na isang doktor
- Aminadong kinulang sa makinarya sa kanyang pangangampanya, nakamit pa rin niya ang tagumpay na magiging daan sa malawakang pagtulong sa mga kababayan
- Dati siyang naging punong barangay bago pasukin ang mas mataas na panunungkulan sa kanilang lugar
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Inspirasyon ang hatid ng isang tindero sa palengke na si Rodrigo "Onoy" Rivera ng Dolores, Eastern Samar.
Nalaman ng KAMI na lamang umano si Rivera ng mahigit 500 na boto sa katunggaling doktor na si Zaldy Carpeso ng PDP-Laban.
"Titikangan ta an lamrag nga magpapakita han Doloresnon hin maupay nga serbisyo," ani Rivera sa kaniyang Facebook account na ibinahagi rin ng ABS-CBN News na ang ibig sabihin ay "Sisimulan na natin ang liwanag sa pamamagitan ng pagpapakita sa mga taga-Dolores ng mahusay na serbisyo."
Bago pasukin ang mas mataas na posisyon sa panunungkulan sa kanilang lugar, naging punong barangay muna si Rivera na pinagkatiwalaan na umano sa matapat na serbisyo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Second Year high school ang naabot nitong edukasyon na hindi naging hadlang upang ipagpatuloy ang adbokasiya na makatulong sa kapwa niya umanong mahihirap.
Bagama't kinukulang umano sila sa makinarya sa kanilang kampanya, pabor naman sa kanya ang naging resulta ng kanilang Halalan.
Narito ang kabuuang ulat ukol sa mayor-elect na si "Onoy" mula sa 24 Oras:
Mayo 9, 2022 nang ganapin ang National at Local Elections sa Pilipinas. Ilang oras matapos na isara ang botohan, mabilis na nakapag-transmit ng resulta ang mga Electoral Board members kung saan malaki agad umano ang naging lamang ni Bongbong Marcos sa mahigpit niyang katunggali na si Vice President Leni Robredo.
Agad ding nanguna sa mga senatoriables si Robin Padilla na sinundan naman nina Loren Legarda at Raffy Tulfo.
Samantala, nag-concede naman na sina Mayor Isko Moreno at Senator Manny Pacquiao na pangatlo at pang-apat na pwesto sa bilang ng mga tumatakbong pangulo.
Nagbigay pa ng mensahe si Pacquiao sa inaasahang magiging susunod na pangulo ng bansa na si Bongbong Marcos.
Samantala, nag-viral din ang resulta ng botohan sa San Francisco, Agusan Del Sur matapos na makapasok sa konseho ng isang kandidato dahil lamang lamang siya ng isang boto sa kanyang katunggali.
Source: KAMI.com.gh