Kandidato, pasok sa konseho matapos na lumamang lang ng isa sa kalaban

Kandidato, pasok sa konseho matapos na lumamang lang ng isa sa kalaban

- Pasok sa pagiging isang konsehal ang isang kandidato sa San Francisco, Agusan del Sur matapos na lumamang ng isa sa kalaban

- Nasungkit nito ang ikawalong pwesto kung saan ang sumunod sa kanya'y nakulangan ng dalawa para makalamang sa kanya

- Agad na nag-viral ang naturang resulta gayung tila bibihira umano ang ganito kadikit na laban

- Mayo 9 nang ganapin ang national at local elections kung saan sinasabing mabilis na nai-transmit ang mga resulta sa karamihang voting precinct

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nasungkit ni Vanjune Napao ang ikawalong pwesto sa konseho ng San Francisco, Agusan del Sur matapos na lumamang ng isang boto sa kanyang katunggali.

Kandidato, pasok sa konseho matapos na lumamang lang ng isa sa kalaban
Kandidato, pasok sa konseho matapos na lumamang lang ng isa sa kalaban (Photo from Halalan 2022)
Source: Facebook

Nalamang KAMI na 12,333 votes ang nakuha nito sa katatapos lamang na Halalan 2022, habang ang mahigpit nitongkatunggali na si Carlito Tandog ay nakakuha ng 12,332 votes.

Read also

Market vendor, inspirasyon ang hatid matapos manalong Mayor ng Dolores

Ayon sa ABS-CBN News, bahagi si Napao ng Team Gugma sa pamumuno ng kanilang mayor-elect na si Grace Carmel Paredes-Bravo.

Samantala, sa Facebook post ni Napao, taos-puso niyang pinasalamatan ang mga sumuporta sa kanya na naging daan para makapasok siya sa konseho.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mayo 9, 2022 nang ganapin ang National at Local Elections sa Pilipinas. Ilang oras matapos na isara ang botohan, mabilis na nakapag-transmit ng resulta ang mga Electoral Board members kung saan malaki agad umano ang naging lamang ni Bongbong Marcos sa mahigpit niyang katunggali na si Vice President Leni Robredo.

Agad ding nanguna sa mga senatoriables si Robin Padilla na sinundan naman nina Loren Legarda at Raffy Tulfo.

Samantala, nag-concede naman na sina Mayor Isko Moreno at Senator Manny Pacquiao na pangatlo at pang-apat na pwesto sa bilang ng mga tumatakbong pangulo.

Read also

VP Leni, nanawagan sa pagtanggap sa resulta ng Halalan; lalabanan pa rin ang kasinungalingan

Nagbigay pa ng mensahe si Pacquiao sa inaasahang magiging susunod na pangulo ng bansa na si Bongbong Marcos.

Katatapos lamang ng Thanksgiving gathering ni Vice President Leni Robredo kung saan hindi man direktang sinabi ang pagkalamang sa kanya ng kalaban na si dating senador Bongbong Marcos, inanunsyo na lamang nito umano ang paglulunsad ng maituturing na pinakamalaking volunteer network sa bansa, ang Angat Buhay Foundation.

Inaasahang ilulunsad ito sa Hulyo 1, matapos ang termino niya sa pagka-bise presidente ng ating bansa.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot:
iiq_pixel