Miting de Avance ng 'Leni-Kiko tandem' sa Makati, pumalo na sa 750,000

Miting de Avance ng 'Leni-Kiko tandem' sa Makati, pumalo na sa 750,000

- Pumalo na sa 750,000 ang mga nagtipon sa Miting de Avance ng 'Leni-Kiko tandem' sa Makati City ngayong Mayo 7

- Nalampasan nito ang inaasahang bilang na kalahating milyon, hindi pa man natatapos ang palatuntunan

- Matatandaang ang birthday rally ni VP Leni sa Pasay ang sinsabing may pinakamaraming bilang ng mga dumalo at sumoporta na umabot sa mahigit 400,000

- Ang Makati rally ang pinakahuling campaign rally ng grupo ni VP Leni Robredo bago ang Halalan sa Mayo 9

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tumataginting na 750,000 ang bilang ng mga dumalo ng Miting de Avance ng 'Leni-Kiko tandem' sa Makati City ngayong Mayo 7.

Miting de Avance ng 'Leni-Kiko tandem' sa Makati, pumalo na sa 750,000
Miting de Avance ng 'Leni-Kiko tandem' sa Makati, pumalo na sa 750,000 (Kapamilya Online World)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ang bilang na ito ay naitala 8:00 ng gabi, bago pa man magsalita si VP Leni Robredo at hindi pa tapos ang nasabing palatuntunan.

Read also

Kakampink celebrities, emosyonal na nakiisa sa thanksgiving rally ng Leni-Kiko tandem

Ang naturang bilang ay ayon sa Rescue team at organizers ng Miting de Avance ginaanp sa Ayala Ave., Makati Ave. at Pase De roxas sa Lungsod ng Makati.

Ilan sa mga karagdagang kilalang personalidad na nakiisa sa huling araw ng kampanya ni VP Leni ay sina Jane De Leon. Iza Calzado, Anne Curtis at Miss Universe 2018 Catriona Gray.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinasabing nalampasan nito ang inaasahang bilang na 500,000 na humigit pa sa bilang ng mga dumalo ng birthday rally ni VP Leni noong Abril 23 sa Pasay City. Matatandaang mahigit 400,000 naman ang mga Kakampink na nakisaya sa nasabing pagtitipon.

Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Read also

Lola, napadalhan pa rin ng opisina ni VP Leni ng mga gamot halagang Php22,000

Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Kamakailan ay inalmahan ni VP Leni ang mga fake news tungkol sa kanya kung saan sinabing mayroon siyang unang asawa sa edad 15, at nagkaroon daw siya ng anak dito na nagawa pa raw niyang iabandona.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica