Ex-commissioner Rowena Guanzon, binuhay ang Camanava crowd; "Hindi kami bangag!"

Ex-commissioner Rowena Guanzon, binuhay ang Camanava crowd; "Hindi kami bangag!"

- Agad na nag-viral ang video ni dating Comelec commissioner Atty. Rowena Guanzon na nagsasalita sa Camanava People's rally

- Binuhay niya umano ang crowd sa paghiyaw ng 'hindi kami bangag'

- Kamakailan ay hayagan na ang pagsuporta ni Atty. Guanzon sa pagsuporta kay VP Leni Robredo sa pagtakbo nito sa pagka-pangulo

- Matatandaang bago ang kanyang pagreretiro, naging matunog ang kanyang pangalan kaugnay sa disqualification case ni Presidential aspirant Bongbong Marcos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral ngayon ang mga video clips ng pagsasalita ni dating Comelec commissioner Atty. Rowena Guanzon sa People's rally ng Leni- Kiko tandem sa Camanava.

Ex-commissioner Rowena Guanzon, binuhay ang Camanava crowd; "Hindi kami bangag!"
Ex-commissioner Rowena Guanzon, binuhay ang Camanava crowd; "Hindi kami bangag!" (Camanava is Pink rally/ VP Leni Robredo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na binuhay ni Atty. Guanzon ang crowd sa paghiyaw nito ng "Hindi kami bangag," na halos katunog ng laging isinisigaw ng mga tao sa campaign rally na "Hindi kami Bayad."

Read also

Video ng pag fist bump ni Mayor Vico Sotto kay VP Leni Robredo bilang pagsalubong, viral

Hayagan din ang pagsuporta ni Atty. Guanzon kay Vice President Leni Robredo sa pagtakbo nito sa pagka-pangulo ng bansa lalo na at ang umano'y mahigpit na kalaban nito ay si dating senador Bongbong Marcos.

Dahil sa kanyang angking tapang, binansagan na siya bilang "Queen of Bardagulan."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang video mula sa 'Camanava is Pink' campaign rally na naibahagi rin ng Inquirer:

Si Atty. Rowena Guanzon ay isang abogado, public servant at politician. Siya ang kaka-retire lamang na commissioner ng COMELEC na nag-serbisyo sa nasabing ahensya mula 2015 hanggang 2022.

Bago ang kanyang pagreretiro, naging matunog ang kanyang pangalan kaugnay sa disqualification case ni Presidential aspirant Bongbong Marcos.

Sa naging panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naikwento ni Atty. Guanzon ang hindi niya makakalimutang childhood memory kung saan nadisiplina sila ng ama dahil sa umano'y pagnanakaw.

Read also

Ana Jalandoni, desididong magsampa ng kaso kay Kit Thompson ayon sa kanyang abogado

Kwento niya, ang payroll money na pasweldo sa kanilang mga trabahador sa hacienda ay nasa 'brown bag' lamang noon sa kwarto ng kanyang mga magulang.

Katwiran noon ni Atty. Guanzon, bilang bata, inakala niyang ang anumang pera na nasa loob ng kanilang bahay ay sa kanya rin.

Doon ipinaliwanag ng ama na para ito sa mga trabahador at hindi sa kanya. Dahil dito, bilang pagkuha pa rin ng hindi sa kanya ang kanyang nagawa, nadisiplina silang magkapatid ng kanyang ama.

Aminado si Atty. Guanzon na sobra ang takot niya noong araw na iyon kaya naman pumasok ito sa kanyang isip na hindi kailaman dapat magnakaw ang sinoman.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica