Iya Villania, ipinatigil ang Roblox dahil sa epekto sa ugali ng mga anak

Iya Villania, ipinatigil ang Roblox dahil sa epekto sa ugali ng mga anak

  • Inihayag ng sikat na television host na si Iya Villania ang kaniyang naging mabigat na desisyon na tuluyang ipagbawal sa kaniyang mga anak ang paggamit ng isang sikat na online gaming platform
  • Napansin ng kilalang mag-asawa ang hindi magandang pagbabago sa ugali at gawi ng kanilang mga anak partikular na ang kanilang panganay na si Primo nang dahil sa mga nakakatakot na nilalaman ng laro
  • Ikinuwento ng aktres na sumailalim muna ang buong pamilya sa isang buwang pagpapahinga sa paggamit ng anumang uri ng gadyet upang matugunan ang tila pagkalulong ng mga bata sa nasabing sistema
  • Ang naging karanasan ng pamilya ay nagbunsod din sa mga talakayan sa pamahalaan ukol sa mas mahigpit na regulasyon at pagpapatupad ng mga hakbang para sa kaligtasan ng mga kabataan sa bansa

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Sa isang episode ng podcast na "Kami Ang Inyong Mga," naging bukas ang sikat na television host at taga-ulat na si Iya Villania tungkol sa kaniyang mga pamamaraan at karanasan sa pagpapalaki ng kaniyang mga anak kasama ang asawang si Drew Arellano. Sa kaniyang pakikipagkuwentuhan sa mga co-host na sina Camille Prats at Suzi Entrata-Abrera, ikinuwento ni Iya na pinagbawalan niya sa kaniyang mga anak ang paggamit ng sikat na online gaming platform na Roblox. Ikinuwento rin niya ang mga hindi magandang pagbabago sa ugali ng mga bata na kaniyang napansin noong kasagsagan ng paglalaro ng mga ito. Ayon kay Iya, hindi niya pinansin noong una ang online game nang una itong madiskubre ng kaniyang pamilya, ngunit nagbago ang kaniyang pananaw nang suriin niya ang mga nilalaman nito.

Read also

Presidente ng Ateneo naging emosyonal sa Senado, nagpaumanhin sa pamilya ng mga atleta

Iya Villania, ipinatigil ang Roblox dahil sa epekto sa ugali ng mga anak
Iya Villania, ipinatigil ang Roblox dahil sa epekto sa ugali ng mga anak (đź“·Iya Villania/Facebook)
Source: Facebook

Nagsimula siyang mag-alala sa mga tema ng laro, partikular na ang karakter na Sonic.exe, na isang nakakatakot na bersyon ng sikat na karakter na Sonic the Hedgehog. Dagdag pa ng host, “Nung tinignan ko I was like, 'Bakit ganyan 'yung hitsura ni Sonic?' Para siyang demonyo na Sonic. Sonic na may red eyes tapos ganun 'yung ngipin.” Sinabi rin niyang inisip niya noong una kung normal na karakter lamang ba ito na hindi niya kilala kaya hindi niya muna binigyan ng malaking pansin, hanggang sa napansin niyang natatakot na ang kaniyang mga anak sa gabi dahil sa mga jumpscare sa laro. Dahil dito, nagpasya siyang ipatigil ang paglalaro ng Roblox, lalo na nang mapansin niyang tila nalululong na rito ang kaniyang mga anak at nagpapakita ng hindi magandang asal tuwing inaalis ang gadyet.

Ayon pa kay Iya, ang pinakamatinding naapektuhan sa magkakapatid ay ang kanilang panganay na anak na si Primo. Kilala niya si Primo bilang isang napakabait at matalinong bata kaya naman nang makita niya ang pagbabago sa gawi nito ay napagtanto niyang hindi na maganda ang idinudulot ng laro sa kaniyang pamilya. Upang matugunan ang suliranin, nagpasya silang mag-asawa na magpatupad ng isang buwang pagpapahinga sa paggamit ng mga gadyet. Bagamat mahirap sa umpisa at umiyak ang kanilang mga anak, naging mas madali rin naman ang proseso habang tumatagal. Matapos ang ilang buwan, ibinalik nila ang mga gadyet ngunit tuluyan nang inalis ang nasabing laro dahil sa kaniyang matinding paniniwala na hindi ito ligtas para sa kaisipan ng mga bata.

Read also

Kambal ni Bettinna Carlos, natuklasang hindi sabay na nabuo sa sinapupunan

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabilang banda, ang usaping ito ay hindi lamang nanatili sa loob ng tahanan ng mga Arellano dahil naging malaking paksa rin ito sa bansa. Ikinonsidera noong una ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang pagpapatupad ng nationwide ban sa Roblox dahil sa mga alegasyon ng ilegal na aktibidad at mga isyu sa kaligtasan ng mga bata, bagamat hindi ito natuloy.

Naghain din si Senador Risa Hontiveros ng isang resolusyon na humihiling ng imbestigasyon sa Roblox at iba pang online games upang makapagpatupad ng mas epektibong regulasyon at mga hakbang para sa kaligtasan batay sa panganib upang maprotektahan ang mga bata. Samantala, sinabi naman ng pamunuan ng Roblox na mayroon silang advanced safeguards at robust safety policies sa kanilang platform at nananatili silang nakatuon sa pagprotekta sa mga gumagamit nito sa pamamagitan ng pakikipagpulong sa mga lokal na ahensiya ng pamahalaan tulap ng DICT upang mas mapahusay ang pagsubaybay sa mga nilalaman ng laro.

Read also

Dalawang estudyante sugatan sa insidente ng pananaksak sa Davao

Kamakailan lamang ay muling ipinamalas ng mag-asawang Drew at Iya ang kanilang matatag na pagmamahalan sa publiko. Naghandog ng isang madamdaming tula ang aktor at host na si Drew para sa kaarawan ng kaniyang misis na si Iya, na labis na kinalugdan ng kanilang mga tagahanga sa social media.

Sa kabilang dako, naging emosyonal naman ang television host sa isang pampublikong pagtitipon dahil sa isang natatanging regalo mula sa kaniyang malapit na kaibigan. Ikinuwento ni Iya Villania ang kaniyang labis na pasasalamat sa magandang obra na inialay ng sikat na artist at aktres na si Solenn Heussaff para sa kaniyang yumaong ama na siyang nagdala ng matinding emosyon sa kanilang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate