Ana Jalandoni, desididong magsampa ng kaso kay Kit Thompson ayon sa kanyang abogado

Ana Jalandoni, desididong magsampa ng kaso kay Kit Thompson ayon sa kanyang abogado

- Ayon sa abogado ni Ana Jalandoni, desidido ang aktres na magsampa ng kaso laban sa aktor na si Kit Thompson

- Nabanggit din nito na lubhang naapektuhan ang paningin ni Ana matapos ang dinanas nito

- Nabanggit din nito ang kanyang pagkondena ng umano'y pang-aabuso na nataon pa sa pagdiriwang ng Women's month

- Ang pagsasalita umano ni Ana kaugnay sa isyu ay para malinis ang kanyang pangalan at dignidad

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa isang pahayag, sinabi ng abogado ni Ana Jalandoni na buo ang loob ng aktres na magsampa ng kaso laban kay Kit Thompson. Kaugnay ito sa sinasabing pananakit ng aktor sa karelasyon habang nasa isang hotel sila sa Tagaytay.

Ana Jalandoni, desididong magsampa ng kaso kay Kit Thompson ayon sa kanyang abogado
Ana Jalandoni (@realanajalandoni)
Source: Instagram

Ayon pa kay Atty. Faye Singson, lubhang apektado ang paningin ng kanyang kliyente dahil sa umano'y pananakit ng aktor. Nabanggit din nito ang kanyang pagkondena ng umano'y pang-aabuso na nataon pa sa pagdiriwang ng Women's month.

Read also

Conversation ni Kit at Ana ilang araw bago ang isyu, binalikan ng netizens

“The savage and barbaric acts of the Respondent should not be condoned,” Singson said. “How ironic that as we celebrate Women's Month, such abuses being committed against women still exist.

Ang pagsasalita umano ni Ana kaugnay sa isyu ay para malinis ang kanyang pangalan at dignidad.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

But know that for Ana to come out and speak up is a bold step to vindicating her dignity.

Matatandaang pumutok ang balita kaugnay sa umano'y pananakit ng aktor sa karelasyon nito matapos humingi ng tulong si Ana mula sa kanyang kaibigan.

Si Kit Thompson ay nakilala sa showbiz nang sumali siya sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 noong taong 2012. Naging bahagi siya ng ilang palabas sa ABS-CBN sa parehas ding taon. Si Kit ay isang Filipino-New Zealander na actor, model, at television host.

Read also

Kit Thompson, dinala sa presinto habang ginagamot sa ospital si Ana Jalandoni

Naging bahagi din siya ng pelikulang The Hows of Us noong 2018 na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Samantala, isa sa mga naiugnay kay Kit ay ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach. Gayunpaman, sa isang panayam ay pinabulaanan ni Kit na nagkaroon sila ng relasyon ng beauty Queen.

Matatandaang naging usap-usapan din ang pahayag ni Vice Ganda kung saan inamin niyang naasar siya noon kay Kit. Hindi umano ipinalabas ang episode na iyon ng GGV kung saan naging guest si Kit.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel