Ogie D, kinumusta si Atty. Luke Espiritu matapos ang eksena nila ni Atty. Gadon

Ogie D, kinumusta si Atty. Luke Espiritu matapos ang eksena nila ni Atty. Gadon

- Naging bisita ni Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel si Atty. Luke Espiritu

- Kinumusta niya ito matapos ang kontrobersiyal na eksena nila ni Atty. Larry Gadon sa SMNI interview sa mga senador

- Naikwento pa ni Atty. Luke ang mga kaganapan pagkatapos mismo ng debate

- Aniya, gusto naman niya umanong maging kaibigan si Atty. Gadon, isasama na rin daw nila ang isa pang senatoriable na si Harry Roque

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bisita nina Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pockoh ang naging kontrobersyal kamakailan na senatorial candidate na si Atty. Luke Espiritu.

Ogie D, kinumusta si Atty. Larry Espiritu matapos ang viral na eksena nina ni Atty. Gadon
Ogie D, kinumusta si Atty. Larry Espiritu matapos ang viral na eksena nina ni Atty. Gadon
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nakipagkulitan si Atty. Luke sa tatlo at isa na nga sa kanilang napagkwentuhan ay ang mga kaganapan matapos mismo ang viral nilang debate nina Atty. Larry Gadon at ni Atty. Harry Roque.

Read also

Ogie Diaz, diretsahang tinanong si Paolo Contis; "Kayo pa ba o wala na kayo?"

Kinumusta kasi siya ni Ogie D kung ano na ang lagay nina Atty. Luke at Atty. Gadon matapos ang umano'y sagutan nila sa SMNI senatorial debate.

"Hindi ko alam kung nakakatulog ba siya. Pero gusto ko siyang matulog nang mahimbing. Mabait naman akong tao." Pabirong sagot ni Espiritu.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naikwento rin nito ang ilang kaganapan pagkatapos mismo ng SMNI debate na gumawa ng ingay online.

"Hindi ko siya kinibo e, pero looking back, gusto ko siyang kaibiganin," pahayag ni Atty. Luke gayung nailarawan pa iyang 'funny guy' si Gadon.

"Sa tingin ko matutuwa naman ako sa kanya. Gusto ko lang siyang maging kaibigan, masayahin ako. Gusto ko lang siyang makasama, pare-pare alam mo 'yun, sama na natin si Harry Roque," paliwanag ni Atty. Luke.

Read also

Ogie Diaz, naikwento ang pagiging good influence ni Herbert sa pag-aaral ni Ruffa

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Atty. Luke Espiritu ay ang senatoriable na nag-viral kamakailan dahil sa 'huwag kang bastos' statement na nasabi niya kay Atty. Larry Gadon sa SMNI debate nila.

Dahil dito, dumami umano ang kanyang mga fans na aminadong ikinatuwa naman niya. Isa umano sa mga naitulong niya sa mga kababayang Pilipino ay ang free legal consultation na kanyang ginagawa.

Samantala, si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at respetadong showbiz reporter.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang mga YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Kamakailan, nag-trending ang pagho-host ni Ogie D ng "Leni-Kiko" tandem sa Iloilo.

Tinatayang mahigit 25,000 na katao ang umano'y nakadalo sa campaign rally ng Leni-Kiko tandem. Una na rin silang pumunta sa Cebu bago ang kanilang kampanya sa Iloilo.

Gayundin ang pagho-host ni Ogie D sa campaign rally ng mga Kakampink sa Bulacan na dinaluhan naman ng nasa 45,000 na supporters ng grupo nina "Leni at Kiko."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel