VP Leni sa mga fake news: "Yung bagong version, May anak daw ako sa unang asawa"

VP Leni sa mga fake news: "Yung bagong version, May anak daw ako sa unang asawa"

- Inalmahan na ni Vice President Leni Robredo ang walang tigil na nagkakalat ng fake news ukol sa kanya

- Ang pinakabago ay ang nagsasabing 15-anyos daw ito unang nag-asawa at sinasabing NPA ang unang mister

- Bukod dito, sinasabi pa raw na mayroon siyang anak sa unang asawang ito na wala namang katotohanan

- Aniya, naglalabasan ang mga ganitong uri ng fake news dahil sa marami na umano ang natatauhan kamakailan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Mabilis na naging usap-usapan ang reaksyon ni Vice President at Presidential aspirant Leni Robredo sa umano'y patuloy na kumakalat na fake news ukol sa kanya.

VP Leni sa mga fake news: "Yung bagong version, May anak daw ako sa unang asawa"
VP Leni sa mga fake news: "Yung bagong version, May anak daw ako sa unang asawa" (Leni Gerona Robredo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na hindi na umano tantanan ng mga balitang walang basehan at katotohanan ang bise -presidente na nagsimula pa umano noong 2016.

Read also

Cristy, sinabing nadadawit si Annabelle Rama sa umano'y isyu nina Richard at Sarah

Nakarating na rin ang mga bansag sa kanya ng ilan tulad ng "mandaraya sa election", "lugaw," "bobo," "buntis," "lutang" subalit hindi niya umano ito hinayaan na maging hadlang sa patuloy niyang pagseserbisyo sa bayan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ni minsan, hindi ko hinayaan maging sagabal ito sa trabaho ko. Pinaghusayan ko pa din kahit pinapahirapan ako. Resibo ko ang lahat na na accomplish ng aming opisina in the last 6 years."

Subalit ang pinakahuling fake news na nakarating sa kanya ay ang pagpapakasal niya noong siya ay 15-anyos lamang at ikalawang asawa na raw niya ay ng yumaong si Jesse Robredo.

"Ngayon na marami nang natatauhan, binubuhay na naman ang mga ito. Kawawa naman yung mga napapaniwala nila. Hindi naman ako ang lugi dahil sa dulo ng lahat, laging katotohanan ang mananaig"

"Ito ang isang binubuhay ngayon. Ang wild nito. Nag asawa daw ako at 15 years old (may wedding pic pa na pinakit) At yung una ko daw na asawa, member ng CPP NPA na napatay. Si Jesse daw ay pangalawa ko nang asawa," ayon sa bise presidente.

Read also

Cristy Fermin, inalmahan ang mga nagpapakalat ng fake news ukol kay KC Concepcion

Aniya, may bagong bersyon na raw ito kung saan mayroon siyang naging anak sa sinasabi nitong unang asawa at inabandona pa raw niya ito.

"Kung naniniwala ka pa, pagdadasal nalang kita"

Narito ang kabuuan ng kanyang post mula mismo sa Facebook page niya na Leni Gerona Robredo:

Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Oktubre 7 noong 2021 nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Kamakailan, taos-pusong pinasalamatan din ni VP Leni ang lahat ng mga nakiisa at dumalo sa 'Pink Sunday Rally' para sa kanya na ginanap sa Quezon City Memorial Circle isang araw bago ang Araw ng mga Puso.

Read also

Bea Alonzo sa nagsabing di raw siya sisikat sa showbiz: "And look at me now!"

Samantala, nag-trending din ang unang pag-host ni Ogie Diaz ng grand rally ng mga 'Kakampink' sa Iloilo kamakailan. Naging kontrobersyal ang mga nasabi ni Ogie at isa na rito ay ang nabanggit niyang wala umano silang tinanggap na bayad para sa naturang kaganapan na dinaluhan ng libo-libong katao noong Pebrero 25.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica