VP Leni Robredo sa performance ng 'RobreDocs' sa Bulacan; "Tagos na tagos"

VP Leni Robredo sa performance ng 'RobreDocs' sa Bulacan; "Tagos na tagos"

- Labis na humanga si presidential candidate Leni Robredo sa 60 na mga doctor na nagtanghal sa kanyang campaign rally sa Bulacan

- Aminado si VP Leni na isa sa mga powerful performances nang araw na iyon ay ang pag-awit ng mga doktor ng Pinoy version ng 'Do you hear the people sing" ng Les Miserablès

- Sumaludo lalo ang bise presidente gayung ang gma doktor na ito ay dalawang taon nang nagsisilbing frontliners sa laban natin kontra COVID-19

- Taos-puso ring pinasalamatan ni VP Leni ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Bulakenyo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Umaapaw ang paghanga at pasasalamat ni Vice President Leni Robredo sa mga doktor ng Bulacan na sumuporta sa kanya sa campaign rally ng kanyang grupo noong Marso 5.

Nalaman ng KAMI na ayon kay VP Leni, ang pagtatanghal ng mga nagpakilalang "RobreDocs" ang isa sa mga powerful performances nang araw na iyon.

Read also

Mga larawang kuha sa grand rally ng Leni-Kiko tandem sa Bulacan, viral

VP Leni Robredo sa performance ng 'RobreDocs' sa Bulacan; "Tagos na tagos"
VP Leni Robredo sa performance ng 'RobreDocs' sa Bulacan; "Tagos na tagos" (Photo from VP Leni Robredo)
Source: Facebook
"Isa siguro sa mga pinaka powerful na numbers yung galing sa mga ROBREDOCS. 60 doctors from Bulacan performed the Filipino version of Les Miserablès Do You Hear the People Sing."

Nilarawan ng bise presidente ang naturang pagtatanghal na "tagos na tagos." Aniya, saludo rin siya sa mga doktor na ito na dalawang taon nang nagsisilbi bilang mga frontliners sa laban ng bansa kontra COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Ang nakakahanga kasi these are the same people who braved the frontlines for two years during the pandemic, making sure that we are kept safe. Ngayon, tuloy pa rin ang pagsasakripisyo para sa bayan."

Taos-puso rin niyang pinasalamatan ang mga Bulakenyo sa mainit na pagtanggap nito sa kanya at sa kanyang grupo.

Narito ang kabuuan ng post:

Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Read also

OFW sa Amerika, masuwerteng nakakasali at nananalo sa iba't ibang game shows

Oktubre 7 noong 2021 nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Kamakailan, taos-pusong pinasalamatan din ni VP Leni ang lahat ng mga nakiisa at dumalo sa 'Pink Sunday Rally' para sa kanya na ginanap sa Quezon City Memorial Circle isang araw bago ang Araw ng mga Puso.

Samantala, nag-trending din ang pagiging host ni Ogie Diaz ng grand rally ng mga 'Kakampink' sa Iloilo kamakailan. Naging kontrobersyal ang mga nasabi ni Ogie at isa na rito ay ang nabanggit niyang wala umano silang tinanggap na bayad para sa naturang kaganapan na dinaluhan ng libo-libong katao noong Pebrero 25.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica