OFW sa Amerika, masuwerteng nakakasali at nananalo sa iba't ibang game shows

OFW sa Amerika, masuwerteng nakakasali at nananalo sa iba't ibang game shows

- Naibahagi ng OFW na si Ernesto Chua Paras Jr. ang kanyang nakamamanghang karanasan sa pagsali sa iba't ibang game shows

- Bago pa man kasi magtungo sa Amerika, nakakasali at nananalo na siya sa mga game shows dito sa Pilipinas

- Aminadong malaking bagay ang pagkakasali at pagkakapanalo niya sa mga ito

- Bukod dito, masuwerte rin siya sa kanyang amo kaya naman 16 na taon na siya roon at hindi nagpalipat-lipat pa ng trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naikwento mismo ng overseas Filipino worker na si Ernesto Chua Paras Jr. ang kanyang nakamamanghang karanasan sa pagsali at pagwawagi sa iba't ibang game shows na kanyang nasalihan.

OFW sa Amerika, masuwerteng nakakasali at nananalo sa iba't ibang game shows
OFW sa Amerika, masuwerteng nakakasali at nananalo sa iba't ibang game shows (Photo from Ernesto Chua Paras Jr.)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na bago pa man magtungo sa Amerika si Ernesto kung saan isa siyang Physical therapist sa loob ng 16 na taon, nakasali at nanalo na siya sa mga kilalang game show sa Pilipinas.

Read also

Doug Kramer, isiniwalat ang makailang beses na nabigong sundan si Gavin sa pamamagitan ng IVF

"Nag-ugat po ang lahat ng ito sa Pilipinas dahil noon ay marami po akong sinalihan na mga gameshows at umbaot po sa mahigit P200,000 ang mga total prizes from different TV stations kagaya ng Who Wants To Be A Millionaire hosted by Christoper de Leon (first win: P40,000 and 2nd win after 6 months P30,000), Wheel of Fortune with Rustom Padilla (P74,350 sa daily round and P4,000 sa weekly finals), Game KNB with Kris Aquino (P10,000 as 2nd placer out of 15 contestants). Na-feature din po ako sa The Weakest Link Philippines sa first press release episode and nag 2nd placer sa laban sa TV."
OFW sa Amerika, masuwerteng nakakasali at nananalo sa iba't ibang game shows
OFW sa Amerika, masuwerteng nakakasali at nananalo sa iba't ibang game shows
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hanggang siya ay mapadpad na sa Amerika, sinuwerte naman siyang mapili para maglaro sa kilalang game show sa TV mula pa dekada 80, ang 'The Price is right.'

Read also

Pinay sa Ukraine, ibinahagi ang sitwasyon nila sa pagtatago sa basement

"Sa Hollywood, Los Angeles, California, USA, nakapasa po ako sa auditon ng 300 hopefuls sa auidence ng The Price is Right USA. Araw araw ko po ito napapanood nung bata pa ako dekada 80 sa Pilipinas. Maraming nag-aakala na random ang pagpili nila ng contestants para mag come on down pero may audition po talga sila para mapili. Sobra po akong kinabahan kasi ako po ang huling tinawag at pang-9th at isang pagkakataon lang ang binigay sa akin para mahulaan ng tama ang presyo ng Zuo Mod coffee table with 4 matching stools na nagkakahalang $2,355. Ang hula ko ang pinakamalapit sa actual retail price without going over. Pinaakyat na po ako sa stage at naglaro ng Bargain Game. Pinakita po nila ang mga bargain prices ng pool table sa kaliwa at laptop with printer sa kanan with prices. Nasagot ko ng tama na ang pool table ang may bigger bargain price. Napanalunan ko rin ang mga prizes na ito. Ang total price ng prizes ko ay $8,600. Naransan ko rin banggitin ang Philippines nung nag spin ako ng giant wheel na napakabigat po at paulit ulit pong nabanggit ang Philippines sa iba't ibang news interview sa TV, radio at newspapers. Sa audition interviews, nagustuhan po ng nagiinterview ang journey ko sa pagbisita sa all 50 states na sa kasulukuyan ay 48 na po pati rin ang pinamalas kong enthusiasm and energy kaya po nila ako napili bilang contestant."

Read also

Ogie Diaz, nag-trending ang pag-host ng campaign rally ng Leni-Kiko sa Iloilo

OFW sa Amerika, masuwerteng nakakasali at nananalo sa iba't ibang game shows
OFW sa Amerika, masuwerteng nakakasali at nananalo sa iba't ibang game shows (Photo from Ernesto Chua Paras Jr.)
Source: UGC

Ngayon, lahat ng kanyang karanasan sa pagsali sa mga nabanggit na game shows ay nasa kanyang YouTube channel na 'Ernesto Explores'.

Bukod dito, masasabing hindi lamang sa game shows sinuwerte si Ernesto kundi sa pagkakaroon ng mababait na amo kaya naman maayos pa rin ang kanyang hanapbuhay sa ibang bansa.

Nakatutuwang isipin na marami naman sa ating mga kababayang OFW ang nakakabalik at nabibisita ang kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas.

Ang ilan, maayos ang trato ng kani-kanilang amo o employer dahilan para sila ay bumalik at makapagpundar ng mga ari-arian para sa naiwan nilang mahal sa buhay sa bansa.

Ang iba naman nakapagpapatayo ng sarili nilang negosyo upang sa pagbabalik nila ng Pilipinas ay meron pa rin silang pagkabuhayan.

Kamakailan ay nag-viral din ang kababayan nating si Shirley Alah o mas kilala bilang si Zia Welder na isang welder sa Canada. Marami ang namangha sa diskarte niya sa buhay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel