VP Leni sa umano'y advance questions sa CNN debate; "Nagalingan kayo?"

VP Leni sa umano'y advance questions sa CNN debate; "Nagalingan kayo?"

- Sumagot si Presidential candidate Leni Robredo sa akusasyong nakuha niya umano in advance ang mga tanong sa katatapos lang na debate

- Nakarating umano sa kanya na may mga nagsasabing naibigay na sa kanya ang mga tanong bago pa man ang debate ngunit hindi raw ito totoo

- Kasama ng naturang sagot niyang ito ang isa pang 'resibo' ng pagtatanggal niya ng sapatos noon pa man na napuna naman kamakailan

- Ayon sa bise presidente, maganda ang kanyang araw kaya nasa mood umano siyang 'pumatol' sa mga patutsada sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mabilis na nag-viral ngayon ang socmed post ng presidential candidate at kasalukuyang bise presidente ng Pilipinas na si Leni Robredo.

VP Leni sa umano'y nakuha niya ang advance questions sa debate; "Nagalingan kayo?"
Vice President Leni Robredo (CNN Philippines)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na kasama ng kanyang larawan kung saan makikitang noon pa ma'y nakakagawian na niyang magtanggal ng sapatos gayung hindi siya sanay na naka-heels, nasabi rin niya ang kanyang komento sa mga akusasyon na nakuha na niya ang mga tanong sa katatapos lamang na CNN Presidential debate bago pa man ang kaganapang ito.

Read also

VP Leni, may 'resibo' sa pagtatanggal niya ng sapatos; "in the mood lang tayo pumatol"

"Dahil ang saya ng araw na ito, in the mood lang tayo pumatol," panimula ng post ng bise presidente patungkol sa mga nakarating sa kanyang patutsada kamakailan. Una niyang ipinaliwanag ang umano'y pinagpipyestahan ng tinawag niyang mga 'trolls' na larawan niya matapos ang CNN presidential debate.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bago matapos ang post, pinasalamantan niya ang mga nagsasabing may advance questions na nakarating sa kanya ngunit wala raw itong katotohanan.

"Also, sa mga nagsasabi na may advance questions akong natanggap sa debate. Thank you, kahit hindi totoo. Gusto bang sabihin, nagalingan kayo?"

Narito ang kabuuan ng post ng bise presidente:

Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Read also

Video ni VP Leni habang binabasa ang placard na "VP Leni, Shot na!", viral

Oktubre 7 noong 2021 nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Samantala, nag-trending din ang pagiging host ni Ogie Diaz ng grand rally ng mga 'Kakampink' sa Iloilo kamakailan. Naging kontrobersyal ang mga nasabi ni Ogie at isa na rito ay ang nabanggit niyang wala umano silang tinanggap na bayad para sa naturang kaganapan na dinaluhan ng libo-libong katao noong Pebrero 25.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica