Ogie Diaz, muling nabanggit ang pagsuporta niya sa kandidato nang walang bayad

Ogie Diaz, muling nabanggit ang pagsuporta niya sa kandidato nang walang bayad

- Muling binigyang diin ni Ogie Diaz ang pagsama niya sa campaign rally ng Leni-Kiko tandem sa Iloilo nang walang bayad

- Ito ay matapos siyang matanong ni Mama Loi sa kanilang Showbiz Update kung tatanggap ba siya ng milyon-milyong piso para i-endorso ang isang kandidato

- Ani Ogie D, hindi lamang dapat pera ang laging paiiralin at nararapat na pahalagahan pa rin ang prinsipyo

- Ito ang dahilan kung bakit siya at ang kasama niya sa Iloilo ay boluntaryong inindorso si presidential candidate leni Robredo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Muling nabanggit ni Ogie Diaz ang hindi nila pagtanggap ng kabayaran sa pagsuporta nila sa grupo nina VP Leni robredo at Senator Kiko Pangilinan sa campaign rally ng mga ito sa Iloilo kamakilan.

Ogie Diaz, buong-pusong umaakyat sa entablado ng suportadong kandidato nang walang bayad
Ogie Diaz, buong-pusong umaakyat sa entablado ng suportadong kandidato nang walang bayad (VP Leni Robredo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa kanyang pinakabagong Showbiz Update, natanong siya ni Mama Loi kung tatanggap siya ng milyong-milyong halaga ng pera para sumuporta o mag-endorso ng isang kandidato.

Read also

Zoren Legaspi, naiyak nang nagbalik-tanaw siya sa kasal nila ni Carmina Villaroel

Napag-usapan din kasi nila ang umano'y tinanggap ni Karla Estrada mula sa Tingog party list magkapwesto man ito o hindi.

Ayon kay Ogie wala namang masamang tumanggap ng pera lalo na kung nagpakahirap at pinagpaguran ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Kasi 'di ba nagpapagod ka rin naman... Kung may ibinayad man kay Karla e 'di good for her. Kahit naman ako ang nasa pwesto ni Karla, ay sandali, mayu-use me in a sentence diyan ako... sandali sisingilin ko na," paliwanag ni Ogie D.

Subalit nang tanungin siya ni Mama Loi kung tatanggap siya ng milyon mula sa parehong party list, iba na ang isinagot ni Ogie.

"Hindi. 'E nag-no to franchise sila 'no... "Hindi sa lahat ng pagkakataon pera ang paiiralin natin, 'wag nating kalilimutang may prinsipyo pa rin tayo"

Read also

Ogie Diaz, nag-trending ang pag-host ng campaign rally ng Leni-Kiko sa Iloilo

Ito rin ang dahilan kung bakit buong puso siyang sumuporta at sumama sa campaign rally ni Presidential candidate Leni Robredo at kanyang grupo sa Iloilo kung saan wala silang tinanggap na "ni singkong duling" aniya.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel