Filipino couple pumanaw sa paddleboard incident sa Canada, pamilya nagdadalamhati

Filipino couple pumanaw sa paddleboard incident sa Canada, pamilya nagdadalamhati

  • Mag-asawang Filipino na sina Genesis Jeru Bague at Mariz Bello pumanaw matapos mahulog sa kanilang sinasakyang paddleboard sa Browning Lake, Canada noong May 30, 2026
  • Inabot ng ilang araw bago na-recover ng Royal Canadian Mounted Police ang kanilang mga labi matapos ang search operation na isinagawa sa Murrin Provincial Park
  • Nagdadalamhati ang kanilang pamilya sa Pilipinas, na nagsabing parehong responsable at matulungin ang mag-asawa, at humiling na maiuwi ang kanilang mga labi
  • Si Genesis Jeru ay permanent resident ng Canada mula 2025, habang si Mariz ay kilala bilang mapagmahal na anak na tumulong sa pamilya bago sila ikinasal noong 2023

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang trahedya ang naganap sa Browning Lake sa Murrin Park, Squamish, British Columbia, Canada noong May 30, 2026, nang pumanaw ang mag-asawang Filipino na sina Genesis Jeru Bague at Mariz Bello matapos mahulog sa kanilang paddleboard at malunod. Ayon sa ulat ng Canadian Broadcasting Corporation (CBC), kasama ng mag-asawa ang kanilang mga kaibigan sa isang birthday party nang mangyari ang insidente.

Read also

40-anyos na babae, nasawi matapos pagbabarilin sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte

Filipino couple pumanaw sa paddleboard incident sa Canada, pamilya nagdadalamhati
Filipino couple pumanaw sa paddleboard incident sa Canada, pamilya nagdadalamhati
Source: UGC

Kuwento ng kapatid ni Genesis Jeru na si Genesis Hanzel Bague, kinunan pa ng video ang mag-asawa habang nakasakay sa paddleboard dakong alas-tres ng hapon. Di nagtagal ay napansin ng mga kasama nila na nahihirapan na ang dalawa. Nakunan pa sila nang malaglag sa tubig at kumapit sa paddleboard, ngunit nang tumaob ito ay nakita ng mga kaibigan na nagsa-struggle ang couple bago tuluyang lumubog. Sinubukan silang sagipin ng mga kasama ngunit hindi na nailigtas.

Naglabas ng update ang Royal Canadian Mounted Police (RCMP) noong June 2, 2026, kung saan kinumpirma nilang na-recover na ang mga labi ng mag-asawa matapos ang search operation ng Underwater Recovery Team.

Noong 2019 ay lumipad patungong Canada si Genesis Jeru Bague, at makalipas ang ilang taon ay sinundan siya ng kanyang asawa na si Mariz Bello. Ikinasal ang dalawa noong 2023 at kalaunan ay naging permanent residents ng bansa noong 2025. Huli silang nakabalik sa Pilipinas noong nakaraang taon upang makasama at makapagbonding sa kanilang mga pamilya.

Read also

Mag-asawa sa Passi City, nasawi matapos umano sa pananaksak ng sariling anak

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa panayam ng OMNI News, ibinahagi ni Angelie Bello-Bernel, kapatid ni Mariz, na “My sister is a loving daughter po, lalo na po sa parents namin. Talaga pong priority niya is yung family namin po.” Dagdag pa niya, lumipad si Mariz patungong Canada upang makatulong sa pamilya, kahit alam niyang hindi siya marunong lumangoy.

Samantala, sinabi ng ama ni Genesis Jeru na si Francis Bague na regular na nagpapadala ng pera ang kanyang anak upang matulungan sila, lalo na’t siya ay sumasailalim sa dialysis. Ayon naman kay Edelina, ina ni Genesis, “Ang masakit lang po ay yung pagkawala nila. Hindi maganda dahil hindi po nila deserve ang kanyang pagkamatay dahil napakaresponsible po nilang dalawa.”

Hangad ng pamilya na maiuwi sa Pilipinas ang mga labi ng mag-asawa upang mabigyan sila ng maayos na libing.

Kamakailan, isang 12-anyos na bata ang nalunod sa ilog habang tinutulungan ang kaibigan na mahanap ang laruan. Ayon sa ulat ng Kami.com.ph, hindi na nailigtas ang bata at nagdulot ng matinding lungkot sa kanyang pamilya.

Read also

Hiker sa Mt. Apo nilinaw ang tunay na nangyari sa pagbagsak sa White Sand area

Samantala, isang 21-anyos na lalaki ang natagpuang wala nang buhay matapos ang baha sa Davao City. Sa ulat ng Kami.com.ph, ikinabigla ng mga residente ang insidente at nagdulot ng pangamba sa kanilang kaligtasan sa panahon ng matinding pag-ulan at pagbaha.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: