NAPOLCOM Commissioner at pulis nagbangayan sa press conference ukol sa viral video

NAPOLCOM Commissioner at pulis nagbangayan sa press conference ukol sa viral video

  • NAPOLCOM Commissioner Atty. Rafael Vicente Calinisan at Police Corporal Simeon Suan nagkaroon ng mainit na sagutan sa press conference matapos talakayin ang viral video ng insidente sa Taguig City kung saan nasangkot ang isang senior citizen
  • Sa gitna ng presser, kinuwestiyon ni Calinisan ang kawalan ng paghingi ng tawad ni Suan, habang iginiit ng pulis na dapat siyang mabigyan ng pagkakataong ipaliwanag ang kanyang panig at humiling ng due process sa harap ng publiko
  • Naglabas ng mga alegasyon si Suan laban sa senior citizen, ngunit agad itong sinagot ni Calinisan na binanggit din ang mga dating kaso at suspensyon ng pulis, na nagdulot ng mas matinding tensyon sa pagitan ng dalawa
  • Sa huli, iniutos ni Calinisan ang pagsasampa ng kaso laban kay Suan at ang pagsasagawa ng motu proprio investigation, habang inalis sa venue ang pulis matapos ang sagutan na umabot sa puntong nagpalitan sila ng maaanghang na salita

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagkaroon ng mainit na sagutan sa press conference ng National Police Commission (NAPOLCOM) nitong Miyerkules matapos harapin ni Commissioner Atty. Rafael Vicente Calinisan ang pulis na sangkot sa viral video ng insidente sa Taguig City. Kinilala ang pulis bilang Police Corporal Simeon Suan, na nasangkot sa alterkasyon kung saan sapilitang ikinadena ang isang senior citizen.

Read also

Nurse mula Licuan-Baay natagpuang wala nang buhay sa bakanteng lote sa Abra

NAPOLCOM Commissioner at pulis nagbangayan sa press conference ukol sa viral video
NAPOLCOM Commissioner at pulis nagbangayan sa press conference ukol sa viral video (📷Miguel de Guzman/The Philippine STAR)
Source: Facebook

Sa simula ng presser, tinanong ni Calinisan kung hindi ba magbibigay ng paghingi ng tawad si Suan. Ngunit agad ding iginiit ni Suan na dapat siyang mabigyan ng due process upang maipaliwanag ang kanyang panig.

Nagpatuloy ang tensyon nang maglabas si Suan ng alegasyon laban sa senior citizen, kabilang ang umano’y mga dating kaso ng frustrated hòmicide at reckless imprudence. “Gusto ko lang pong patunayan na itong moral character ng tao ay hindi ganun kaganda,” dagdag pa niya. Ngunit agad itong sinagot ni Calinisan na nagtanong kung kailangan bang dumaan sa ganitong ruta ng depensa.

Sa gitna ng sagutan, binanggit ni Calinisan ang mga dating kaso at suspensyon ni Suan, kabilang ang grave coercion, unlawful arrest, slight physical injuries, at iba pa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Iniutos ng Commissioner ang pagsasampa ng kaso laban kay Suan dahil sa umano’y paglabag sa Republic Act No. 7438, partikular sa hindi pagbasa ng Miranda Rights. Bukod dito, ipinag-utos din ang motu proprio investigation para sa oppression, grave misconduct, at conduct unbecoming of a police officer.

Read also

Bong Revilla at Lani Mercado, emosyonal sa renewal of vows sa QC Jail

Sa kanyang depensa, sinabi ni Suan na kumilos siya upang maiwasan ang mas malalang sitwasyon dahil nagkakagulo na sa lugar. Ngunit muling nagkaroon ng tensyon nang banggitin ni Calinisan na nagbayad ng P30,000 ang senior citizen para sa pinsala sa sasakyan ni Suan, bagay na mariing itinanggi ng pulis. “Wala pong katotohanan ‘yun Sir, huwag po tayong magpapogi sa media Sir. Yun lang po masasabi ko rito. Sana naman Sir mabigyan niyo ako ng chance. Mali-mali po yung sinasabi niyo. Hanggang ngayon wala pong binabayad sa akin kahit singko,” sagot ni Suan.

Sa huli, inalis si Suan sa venue matapos ang sagutan.

Sa Malolos City, iniimbestigahan ang isang police corporal matapos kumalat online ang insidente ng pananakit. Ang viral video ay nagdulot ng matinding galit sa publiko at nag-udyok sa NAPOLCOM na magsagawa ng sariling imbestigasyon. Ang insidente ay nagbigay-diin sa pangangailangan ng mas mahigpit na disiplina sa hanay ng kapulisan.

Read also

Nawalang dalaga sa Cebu, natagpuang patay matapos makipagkita sa buyer ng tablet

Samantala, sa isa pang ulat mula Malolos City, humingi ng tawad ang pulis na sangkot sa viral video ng pananakit sa kanyang kinakasama. Sa kabila ng paghingi ng tawad, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng NAPOLCOM upang matukoy ang tamang parusa. Ang insidente ay nagdulot ng mas malawak na diskusyon tungkol sa accountability ng mga pulis at ang kanilang papel bilang tagapagtanggol ng publiko.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate