Bong Revilla at Lani Mercado, emosyonal sa renewal of vows sa QC Jail

Bong Revilla at Lani Mercado, emosyonal sa renewal of vows sa QC Jail

  • Nag-renew ng vows sina dating Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado sa New Quezon City Jail Male Dormitory, kung saan naging emosyonal ang seremonya na dinaluhan ng pamilya at malalapit na kaibigan, bilang pagdiriwang ng kanilang 40 taon ng pagsasama
  • Nagbigay ng song number si Lani, kabilang ang awiting Sana’y Wala Nang Wakas at Palagi, na nagsilbing simbolo ng kanilang matibay na pagmamahalan at panalangin para sa mas mahabang panahon kasama ang kanilang mga anak at apo
  • Sa kaniyang mensahe, humingi ng kapatawaran si Bong kay Lani sa mga heartbreaks at pagkukulang sa nakalipas na taon, sabay pasasalamat sa pagmamahal at sakripisyong ibinigay ng kaniyang asawa sa kanilang pamilya
  • Ayon kay Bong, nais lamang nilang ipagdiwang ang kanilang 40 years of marriage, na dumaan sa iba’t ibang yugto mula sa kasal sa Amerika noong 1986, centennial wedding, hanggang sa vow renewal sa loob ng kulungan

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isang emosyonal na seremonya ang naganap sa New Quezon City Jail Male Dormitory sa Brgy. Payatas, Quezon City, nang mag-renew ng vows sina dating Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado. Ayon sa ulat ni Gorgy Rula ng Pilipino Star Ngayon, naging makabuluhan ang vow renewal bilang pagdiriwang ng kanilang 40 taon ng pagsasama.

Read also

Kaye Abad, ibinahagi ang buong journey matapos maging cancer survivor

Bong Revilla at Lani Mercado, emosyonal sa renewal of vows sa QC Jail
Bong Revilla at Lani Mercado, emosyonal sa renewal of vows sa QC Jail (📷Ramon Bong Revilla, Jr./Facebook)
Source: Facebook

Bagama’t may kahigpitan sa lugar at walang nakuhang litrato, ramdam ang emosyon sa bawat sandali. Hindi lamang sina Bong at Lani ang nagkaiyakan, kundi pati na rin ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan na dumalo sa seremonya.

Nagbigay ng song number si Lani, kung saan kinanta niya ang ilang bahagi ng awiting Sana’y Wala Nang Wakas. “Naniniwala ako na ang lahat ng ating pinagdaanan made us stronger individually and as husband and wife,” ani Lani, sabay banggit ng linyang tumagos sa puso: “Kahit na ilang tinik ay kaya kong tapakan… Kahit ilang ulit ako’y iyong saktan. Hindi Kita maaaring iwanan.”

Kinanta rin niya ang Palagi ni TJ Monterde, na inihalintulad niya sa kanilang 40 years of marriage.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, naging emosyonal din si Bong sa kaniyang mensahe. Paputol-putol ang kaniyang pananalita dahil sa pag-iyak, lalo na nang humingi siya ng kapatawaran kay Lani. “At Mama, maraming beses kitang nasaktan. Sorry for the heartbreaks. Sorry for the nights you cried silently so our children would never hear your pain. Forgive me for the moments I failed to show you how deeply I value you,” ani Bong. Dagdag pa niya, “Habang tumatanda ako, lalo kong nauunawan kung gaano kabigat ang pagmamahal na ibinigay mo sa akin.”

Read also

Plot twist: Benny Lagata, umamin na hindi pa kasal

Ayon kay Bong, nais lamang nilang ipagdiwang ang kanilang 40 years of marriage. Binanggit niya na nagpakasal sila sa Amerika noong 1986, nagkaroon ng centennial wedding, at maging sa kulungan ay nag-renew sila ng vows. Para sa kaniya, lahat ng yugto ng kanilang pagsasama ay patunay ng tibay ng kanilang pagmamahalan.

Si Bong Revilla ay kilalang aktor at dating senador, habang si Lani Mercado ay kasalukuyang kongresista. Matagal na silang mag-asawa at kilala sa showbiz at politika bilang isa sa mga matatag na couples. Sa kabila ng mga hamon at kontrobersya, nanatiling matibay ang kanilang relasyon, na ngayon ay umabot na sa apat na dekada.

Kamakailan, iniulat ng Kami.com.ph na na-postpone ang arraignment ni Bong Revilla kaugnay ng Bulacan ghost project allegations. Ang kaso ay pansamantalang naantala, ngunit nanatiling mainit na usapin sa publiko.

Samantala, nagreklamo rin si Bong Revilla tungkol sa ilang kondisyon sa kulungan, ngunit agad naman itong naayos. Ang ulat ay nagbigay ng mas malinaw na larawan sa kaniyang kasalukuyang sitwasyon habang patuloy na humaharap sa mga kaso.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate