Sen. JV Ejercito shares near-accident with SUV: “Siguradong ospital ako kung tinamaan”
- Ibinahagi ni Sen. JV Ejercito sa kanyang Facebook post ang nakakatakot na karanasan kung saan muntik nang mabangga ng isang SUV ang kanyang sasakyan matapos umano itong magkaroon ng “Sudden Unintended Acceleration” at bumangga sa isang pader
- Ayon sa senador, kung natamaan ang kanyang sasakyan ay malamang na nagtamo siya ng malubhang pinsala at na-ospital dahil sa sobrang lakas ng arangkada ng SUV kaya naman ipinagpasalamat niya na ligtas siya at walang taong nadamay sa aksidente
- Sa halip na mag-panic, agad pang tumulong si JV Ejercito sa driver at mga pasahero ng SUV at personal silang inalalayan papunta sa ambulansya habang pinapaalala na mas mahalaga ang buhay kaysa materyal na ari-arian na maaari namang mapalitan
- Nagpasalamat ang senador sa kanyang “Guardian Angel” matapos ang pangyayari at umani siya ng suporta mula sa mga netizens na nagbigay ng komento sa social media, kung saan marami ang nagsabing isa itong paalala ng kahalagahan ng kaligtasan at disiplina sa kalsada
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Muntik nang maging trahedya ang isang karaniwang araw para kay Senador JV Ejercito matapos ibahagi niya sa Facebook ang kanyang karanasan sa isang insidente ng “Sudden Unintended Acceleration” (SUA) nitong linggo.

Source: Instagram
Ayon sa post ng senador, isang puting SUV ang biglang umarangkada at muntik nang sumalpok sa kanyang sasakyan. Sa lakas ng arangkada, tumama ito sa pader ng isang saradong tindahan at halamanan. Kung nadale raw ang kanyang sasakyan, posible siyang nagtamo ng malubhang pinsala.
Ani JV, “A case of Sudden Unintended Acceleration, an SUV missed our car by a second and slammed into a wall. Good thing no one was on the street and no other car was hit. Sa lakas ng arangkada siguradong ospital ako kung tinamaan.”
Dagdag pa niya, pinasalamatan niya ang Diyos sa kanyang kaligtasan at tinawag itong isang malinaw na milagro: “Thank you my Guardian Angel👼! 🙏🏽🙏🏽🙏🏽”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa mga larawang kalakip ng kanyang post, makikitang inalalayan mismo ni JV ang driver ng SUV at mga pasahero nito hanggang maihatid sila sa ambulansya. Aniya, “Sabi ko kay Manong pasalamat na lang at ok po kayo at ang kanyang mga kasama dahil ang sasakyan pwede pang palitan.”
Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang suporta at pasasalamat na ligtas ang lahat. Ang iba naman ay nagpuna tungkol sa isyu ng “SUA” na ilang beses na ring naiulat sa bansa
Si Joseph Victor “JV” Ejercito ay anak ni dating Pangulong Joseph Estrada. Bukod sa kanyang pagiging senador, kilala si JV sa kanyang adbokasiya para sa imprastraktura at kalusugan. Hindi rin siya natatakot magpahayag ng saloobin sa mga kontrobersyal na isyu, lalo na sa usaping trapiko at kaligtasan sa kalsada.
Hindi ito ang unang pagkakataon na naugnay si JV sa mga insidenteng may kinalaman sa kalsada. Kamakailan lamang, nagsalita siya hinggil sa isang viral road rage case kung saan nilinaw niyang hindi dapat i-tolerate ang anumang uri ng karahasan sa kalsada. Ayon kay JV, bilang mambabatas at motorista, dapat palaging unahin ang disiplina at respeto sa kapwa motorista upang maiwasan ang panganib.
Bukod dito, napilitan ding magpaliwanag ang senador sa gitna ng isang kontrobersya kaugnay ng viral road rage ride kung saan ipinahiwatig ng ilan na kasama umano ang kanyang anak na si Yanna. Agad itong pinabulaanan ni JV at nilinaw na hindi kasali ang kanyang anak sa nasabing insidente. Giit niya, ayaw niyang madamay ang pamilya sa mga isyu na hindi naman sila sangkot.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh