Rider na gumawa ng reckless driving stunt, maaring masuspinde ang lisensya

Rider na gumawa ng reckless driving stunt, maaring masuspinde ang lisensya

  • Isang rider ang nag-viral matapos magsagawa ng “Superman” stunt habang nasa highway sa Don Salvador Benedicto
  • Ang LTO-6 ay agad na nagsagawa ng imbestigasyon at bumisita sa tirahan ng may-ari ng motorsiklo sa Bacolod City
  • Pinadalhan ng show cause order ang rider upang ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat patawan ng parusa
  • Maaaring masuspinde o makansela ang lisensya ng rider batay sa magiging resulta ng imbestigasyon

Isang motorcycle rider nagmumukhang lumilipad ang laman ng isang viral video na pumukaw ng pansin sa social media noong Hulyo 13, 2025. Isang rider ang naaktuhan habang ginagawa ang tinaguriang “Superman” stunt—nakahiga sa motorsiklo habang mabilis na tumatakbo ito sa matarik na kalsada ng Orange Cliff sa Don Salvador Benedicto, Negros Occidental. Bagamat tila nakakatawa o astig para sa ilan, itinuturing itong isang seryosong kaso ng reckless driving.

Rider na gumawa ng reckless driving stunt, maaring masuspinde ang lisensya
Rider na gumawa ng reckless driving stunt, maaring masuspinde ang lisensya (📷Digicast Negros/Facebook)
Source: Facebook

Matapos mag-viral ang naturang video, kumilos agad ang Land Transportation Office sa Region 6 (LTO-6). Kinumpirma ng ahensya na ang nasabing stunt ay labag sa Republic Act 4136, na tumutukoy sa mga batas trapiko sa bansa. Sa pangunguna ng kanilang intelligence at law enforcement teams, binisita nila ang nakarehistrong address ng motorsiklo sa Barangay Mansilingan, Bacolod City upang magsilbi ng show cause order.

Sa pamamagitan ng dokumentong iyon, binibigyan ang rider ng limang araw upang magsumite ng written explanation kung bakit hindi siya dapat patawan ng parusa. Kung hindi siya magbibigay ng sagot sa loob ng itinakdang panahon, gagamitin ng LTO ang mga impormasyong mayroon na sila upang magdesisyon. Ayon sa LTO, posible siyang patawan ng suspensyon o tuluyang kanselahin ang kanyang lisensya at rehistro ng motorsiklo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon kay LTO Assistant Regional Director Jeck Conlu, paalala ito sa lahat ng motorista na maging responsable sa pagmamaneho, lalo na sa mga kalsadang may matatarik na kurbada gaya ng Don Salvador Benedicto. “Ang mga kalsada ay hindi entablado para sa mga stunt,” diin ng opisyal.

Ang reckless driving ay tumutukoy sa pagmamaneho ng sasakyan sa paraang mapanganib para sa sarili o sa iba. Sa ilalim ng Republic Act 4136, ang sinumang mahuhuli sa ganitong paglabag ay maaaring patawan ng multa, suspensyon ng lisensya, o tuluyang pagkakansela nito. Sa modernong panahon, marami sa mga ganitong insidente ay nauuwi sa viral videos, kaya’t mas pinaigting ng mga awtoridad ang pagbabantay laban sa mga mapanganib na stunt sa kalsada.

Sa isang kahalintulad na insidente, isinuspinde ang lisensya ng content creator na si Cherry White matapos mag-viral ang video kung saan makikitang mabilis siyang nagmamaneho habang nagvi-video gamit ang cellphone. Ayon sa ulat ng Kami.com.ph, si Cherry ay hindi lamang gumamit ng cellphone habang nagmamaneho kundi hindi rin nakasuot ng helmet. Isinampa ng LTO ang kasong reckless driving laban sa kanya, kasunod ng kanyang 90-day license suspension.

Sa isa pang kaso, isang bus driver ang nahuling gumagamit ng cellphone habang nasa biyahe, bagay na agad na inaksyunan ng LTO. Sa video, makikitang hawak-hawak ng driver ang cellphone habang tumatakbo ang pampasaherong bus. Dahil dito, sinuspinde rin ng LTO ang kanyang lisensya sa loob ng 90 araw bilang parusa sa paglabag sa batas-trapiko.

Katulad ng kaso ng “Superman” rider, ang mga insidenteng ito ay nagpapakita ng masidhing babala sa mga motorista—ang kalsada ay hindi laruan. Sa huli, ang kaligtasan ng lahat ay nakasalalay sa tamang disiplina sa kalsada.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate