Paghahanap ng labi ng sabungeros sa Taal Lake, muling isasagawa ng PCG technical divers
- Muling maglulunsad ng retrieval mission ang Philippine Coast Guard technical divers sa Taal Lake
- Limang sako ng kahina-hinalang bagay ang una nang nakuha at isinailalim sa forensic examination
- Ayon sa whistleblower, higit 100 sabungeros ang umano’y pinaslang at itinapon sa lawa
- Apektado ang kabuhayan ng mga mangingisda sa lugar dahil sa isyu ng diumano’y mga bangkay sa lawa
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Muling babalikan ng Philippine Coast Guard (PCG) technical divers ngayong Lunes ang Taal Lake para ituloy ang retrieval operations na may kaugnayan sa kontrobersyal na pagkawala ng mga sabungero. Simula noong Biyernes, Hulyo 11, 2025, limang sako na ang narekober mula sa ilalim ng lawa, na naglalaman umano ng kahina-hinalang mga bagay at agad isinailalim sa forensic examination.

Source: UGC
Sa kauna-unahang pagkakataon, gagamitin din ng PCG ang remotely operated vehicles (ROVs) sa kanilang operasyon upang mas mapalalim pa ang kanilang paghahanap, lalo na sa mga bahagi ng lawa na lagpas 100 metro ang lalim. Ayon kay Navy spokesman Capt. John Percy Alcos, tatlong team ng technical divers mula sa Navy ang nakahandang tumulong—bawat team ay binubuo ng apat na Navy SEALs, dalawang divers, isang standby diver, at isang diving supervisor.
Ang misyon na ito ay kaugnay ng mga rebelasyong isiniwalat ng isang whistleblower, na nagsabing mahigit 100 katao umano ang pinatay ng mga pulis dahil sa umano’y pandaraya sa multimillion-peso na online sabong operations. Ayon pa sa kanyang pahayag, ang mga katawan ng mga biktima ay itinapon sa Taal Lake upang pagtakpan ang krimen. Sa patuloy na imbestigasyon ng Department of Justice, dalawang prominenteng personalidad—si businessman Atong Ang at aktres na si Gretchen Barretto—ang kinilalang suspek sa naturang kaso.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Habang patuloy ang paghahanap, isa namang panibagong problema ang kinakaharap ng mga lokal na mangingisda sa Taal. Ayon kay Rodel Sangalang, isang mangingisda sa lugar, bumaba ang bentahan ng kanilang mga isda simula nang mabalita ang paghahanap ng mga bangkay sa lawa. “Nangingimi silang kumain ng isda namin dahil sa nabalitang yan,” aniya sa isang panayam sa DZMM. Ipinanawagan niya sa publiko na huwag mawalan ng tiwala sa kanilang huli, dahil galing ang mga ito sa malinis at kontroladong fish cages. “May kulungan kami na ang size ay 10x10 meters… one hundred percent malinis yung isda namin dahil nakakulong lang sila,” giit niya.
Matatandaang naging laman ng balita ang pagkawala ng ilang sabungeros sa kasagsagan ng online sabong boom. Marami sa kanila ang umano’y naglaho na lang bigla matapos umanong masangkot sa mga isyu ng pandaraya at pagkatalo sa mga pustahan. Lumitaw ang eskandalo matapos ang sunod-sunod na reklamo ng mga pamilya ng nawawalang sabungeros. Ang pinakahuling rebelasyon ng isang whistleblower ang nagbigay-linaw kung bakit hindi natagpuan ang karamihan sa kanila—posibleng sila ay biktima ng extra-judicial killings na isinagawa umano ng ilang tiwaling opisyal ng pulisya.
Natagpuan ng PCG technical divers ang sako-sakong kahina-hinalang laman, kabilang ang mga buto at sinkers, sa ilalim ng Taal Lake habang isinasagawa ang retrieval operations. Ang pagkakadiskubre ng mga ito ay nagpapalalim sa kaso ng mga nawawalang sabungeros at lumalakas ang hinalang posibleng itinapon nga sila sa lawa.
Sa gitna ng usapin ukol sa mga nawawalang sabungeros, ipinahayag ni Emil Sumangil na siya ay ligtas at buhay matapos siyang mapagkamalang isa sa mga nawawala. Ipinabatid niya sa publiko na wala siyang kinalaman sa mga isyung may kaugnayan sa sabong at siya ay patuloy pa ring aktibo sa kanyang propesyon bilang mamamahayag.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh