Labi ng 4-anyos na nasawi sa NAIA tragedy, nakaburol na
- Nakaburol na ang labi ng ng apat na taong gulang na nasawi sa malagim na tahedya sa NAIA
- Isang araw matapos ang sinapit ng bata, naiuwi na ito sa Batangas
- Hustisya ang sigaw ng ama ng bata na hindi na tuluyang nakaalis dahil sa nangyari
- Ayon din sa ama, hindi pa umano alam ng kanyang misis ang sinapit ng kanilang anak
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nakaburol na ang labi ng apat na taong gulang na si Malia Masongsong, ang batang biktima sa malagim na trahedya sa NAIA terminal 1 noong Mayo 4.

Source: Facebook
Personal na nagtungo ang ama ni Malia na si Danmark Masongsong sa funeral facility sa Pasay City kasama ang ilan nilang kaanak.Personal na nagtungo ang ama ni Malia na si Danmark Masongsong sa funeral facility sa Pasay City kasama ang ilan nilang kaanak.
Agad na dinala ang labi ng biktima sa kanilang tahanan sa Lipa City sa Batangas.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa video na ibinahagi ng ABS-CBN, makikita ang mga larawan ni Malia katabi ng kanyang hinihimlayan.
Samantala, sa panayam sa ama ni Malia, makailang ulit niyang nasabi ang pagmamahal at pag-aalaga sa kanyang anak. Kaya naman ganoon na lamang ang kanyang hinagpis sa nangyari aat halos hindi matanggap ang kinahinatnan nito.
"Napakahirap po sa'kin. Napakasakit po sa pamilya namin ang nangyari. Lalong lalo na anak ko po yun, mahal na mahal ko po yun. Hindi ko po tanggang ang nangyari."
"Buong Pilipinas po ang nakasaksi sa nangyari sa anak ko. HIndi ko po kaya. kaya po ako nagsasalita rito para mailabas ko yung nararamdaman ko. Gusto ko lang kasi ng kausap kasi talagang mahal na mahal ko yung anak ko."
Mas lalong nakadudurog ng puso nang sabihin ni Danmark na wala pa umanong alam ang kanyang misis sa sinapit ng kanilang anak. Isa rin ang kanyang may bahay na si Cynthia sa nasugatan sa pagragasa ng isnag SUV sa NAIA terminal 1. Kasalukuyan pa itong nasa ospital at nagpapagaling.
"Alagang-alaga ko po 'yan, lalong-lalo na ng aking asawa. Hindi pa po niya alam na wala na ang anak ko."
"Talagang mahal na mahal ko po 'yan. Kaya po ako nag-iibang bansa para po sa kanilang dalawa tapos ganun ang mangyayari."
Kaugnay nito, sigaw niya ang hustisya sa kalunos-lunos na sinapit ng kanyang anak.
"Sana po ay tulungan niyo akong managot yung bumangga sa anak ko. Mananagot po 'dun. Tulungan niyo po ako."
"Atin pong gobyerno, tulungan niyo po akong mapangutan ito. Sana po ay hindi siya makapagpiyansa."
Mayo 4 nang gumulantang sa publiko ang balitang isang SUV ang umararo sa harap ng NAIA terminal 1. Ilang video ang nailabas kung saan makikita ang iba't ibang anggulo ng pangyayari. Dahil dito, nasawi ang apat na taong na batang babae na naghatid lamang sa kanyang ama. Nadala naman sa ospital at lola nito na nahagip din 'di umano ng nasabing sasakyan.
Sa panayam ni Dennis Datu ng TV Patrol sa kaanak ng biktima, sinabi nitong tatlong linggo lamang nakasama ng ama ang nasawing anak. Ito ay dahil sa wala pa umano itong muwang nang unang umalis upang magtrabaho sa ibang bansa. Kaya naman ganoon na lamang ang hiyaw sa paghihinagpis ng ama sa pagsasabing "anak ko yun, anak ko 'yan" nang maganap ang malagim na trahedya sa NAIA.
Samantala, Matatandaang kamakailan lamang, isa ring trahedya ang naganap sa SCTEX kung saan mag-asawa ang nasawi subalit nakaligtas ang kanilang dalawang taong gulang na anak. Nadurog ang puso ng marami nang malamang hinahanap pa rin ng anak ang kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ina. Magbabakasyon lang sana sa Baguio ang mag-anak nang maganap ang malagim na trahedya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh