Ina ng 4 taong gulang na nasawi sa NAIA, nasa ospital pa; di pa alam ang sinapit ng anak

Ina ng 4 taong gulang na nasawi sa NAIA, nasa ospital pa; di pa alam ang sinapit ng anak

- Emosyonal na humarap sa publiko ang ama ng 4-anyos na batang babae na nasawi sa NAIA tragedy

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

- Isa sa kanyang nabanggit ay ang ang tungkol sa misis na hindi pa alam ang sinapit ng kanilang anak

- Aminado ang ama na hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang pinakamamahal na anak

- Nananawagan siya sa pamahalaan na mapanagutan umano ng driver ng SUV ang sinapit ng kanyang anak

Naglabas ng kanyang saloobin sa media ang ama ng 4 na anyos na batang babae na nasawi sa malagim na trahedyang naganap sa NAIA terminal 1 noong Mayo 4.

NAIA father
Ina ng 4 taong gulang na nasawi sa NAIA, nasa ospital pa; di pa alam ang sinapit ng anak (One PH/ TV Patrol)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa ulat ng One PH, makikita si Danmark Masongsong na inihayag ang labis na pagmamahal sa anak kaya't aminadong hindi matanggap ang sinapit nito.Sa ulat ng One PH, makikita si Danmark Masongsong na inihayag ang labis na pagmamahal sa anak kaya't aminadong hindi matanggap ang sinapit nito.

"Napakahirap po sa'kin. Napakasakit po sa pamilya namin ang nangyari. Lalong lalo na anak ko po yun, mahal na mahal ko po yun. Hindi ko po tanggang ang nangyari."

Read also

Ama ng 4 taong gulang na nasawi sa NAIA tragedy, emosyonal na humingi ng hustisya

"Buong Pilipinas po ang nakasaksi sa nangyari sa anak ko. HIndi ko po kaya. kaya po ako nagsasalita rito para mailabas ko yung nararamdaman ko. Gusto ko lang kasi ng kausap kasi talagang mahal na mahal ko yung anak ko."

Ang masaklap pa sa nangyari, wala pa rin umanong kaalam-alam ang misis niyang kasalukuyang nasa ospital sa nangyari sa kanilang nag-iisa at pinakamamahal na anak.

"Alagang-alaga ko po 'yan, lalong-lalo na ng aking asawa. Hindi pa po niya alam na wala na ang anak ko."
"Talagang mahal na mahal ko po 'yan. Kaya po ako nag-iibang bansa para po sa kanilang dalawa tapos ganun ang mangyayari."

Dahil dito, binigyang diin niya ang hustisya na kanyang sigaw sa pagkamatay ng anak.

"Sana po ay tulungan niyo akong managot yung bumangga sa anak ko. Mananagot po 'dun. Tulungan niyo po ako."
"Atin pong gobyerno, tulungan niyo po akong mapangutan ito. Sana po ay hindi siya makapagpiyansa"

Read also

5 taong gulang na nasawi sa NAIA tragedy, tatlong linggo lang nakasama ng amang OFW

Narito ang kabuuan ng kanyang emosyonal na pahayag:

Mayo 4 nang gumulantang sa publiko ang balitang isang SUV ang umararo sa harap ng NAIA terminal 1. Ilang video ang nailabas kung saan makikita ang iba't ibang anggulo ng pangyayari. Dahil dito, nasawi ang apat na taong na batang babae na naghatid lamang sa kanyang ama. Nadala naman sa ospital at lola nito na nahagip din 'di umano ng nasabing sasakyan.

Sa panayam ni Dennis Datu ng TV Patrol sa kaanak ng biktima, sinabi nitong tatlong linggo lamang nakasama ng ama ang nasawing anak. Ito ay dahil sa wala pa umano itong muwang nang unang umalis upang magtrabaho sa ibang bansa. Kaya naman ganoon na lamang ang hiyaw sa paghihinagpis ng ama sa pagsasabing "anak ko yun, anak ko 'yan" nang maganap ang malagim na trahedya sa NAIA.

Samantala, Matatandaang kamakailan lamang, isa ring trahedya ang naganap sa SCTEX kung saan mag-asawa ang nasawi subalit nakaligtas ang kanilang dalawang taong gulang na anak. Nadurog ang puso ng marami nang malamang hinahanap pa rin ng anak ang kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ina. Magbabakasyon lang sana sa Baguio ang mag-anak nang maganap ang malagim na trahedya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica