Wilbert Tolentino: "Di ka magtatagal sa industriya sa asal na meron ka"

Wilbert Tolentino: "Di ka magtatagal sa industriya sa asal na meron ka"

Naglabas si Wilbert Tolentino ng kanyang saloobin patungkol sa taong kanyang natulungan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Aniya ay nakakadala ugali ng taong ito na hini niya pinangalanan ngunit aniya ay ungrateful ito

- Lagi din daw pabalang ito sumagot at aniya ay hindi ito magtatagal sa industriya sa ugali nito

- Dagdag pa ni Wilbert, hindi na daw niya kayang pagtakpan ang tunay na ugali ng taong kanyang tinutukoy

Naglabas ng saloobin si Wilbert Tolentino tungkol sa isang taong hindi na niya pinangalanan. Ani Wilbert, hindi na daw niya kayang pagtakpan ang tunay na ugali ng taong kanyang tinutukoy.

Wilbert Tolentino: "Di ka magtatagal sa industriya sa asal na meron ka"
Wilbert Tolentino: "Di ka magtatagal sa industriya sa asal na meron ka" (Wilbert Tolentino/Facebook)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Aniya, nakakadala tumulong sa ganitong uri ng tao na hindi marunong magpahalaga sa taong tumutulong sa kanya.

Read also

Paolo Contis sa bashers: "'Yung pinagkamalian ko nga nag-move on na, move on ka na rin"

Nakakadala tumulong sa tao na indi marunong mag value sa taong may pagmamalasakit at ang worst ay ungrateful asal pinapakita at laging pabalang sumagot. nakaka ang ugali mo.

Lagi din daw pabalang ito sumagot at aniya ay hindi ito magtatagal sa industriya sa ugali nito/

d ka mag tatagal sa industria sa Asal na meron ka! Kht saan ka pa lumipat at kung d ka nag bago. binitbit mo lang problema mo sa bago mong pakikisamahan. Sorry at indi ko na kaya e defend pag uugali at cover up ang tunay mong kulay. Nakakalungkot sabihin peto real talk po eto. #Atechonatothehighestlevel

Si Wilbert Ting Tolentino ay isang Chinese-Filipino entrepreneur na nakilala nang tanghalin siyang Mr. Gay World Philippines in 2009. Naging manager din siya ng ilang sikat na social media personalities kagaya nina Madam Inutz at Herlene Budol.

Matatandaang diretsahang sinagot ni Wilbert ang isang blind item tungkol sa umano'y comedienne na nagbago ng image. Sa caption ng naturang blind item ay may tanong kung totoo bang uma-attitude na umano ang naturang comedienne na bibidahin. Nilinaw ng manager ni Herlene na noong nag-inquire sa kanya ay hindi pa nakapag sign ng contract sa Binibining Pilipinas si Herlene. Ginawa lamang umano niya ang kanyang obligasyon bilang manager at iyon ay ang protektahan ang hinahawakan niyang artist.

Read also

Paolo Contis sa nagsasabing namimigay siya ng premyo pero hindi sustento: "bobo"

Kinalaunan ay nagsalita na rin si Herlene Budol kaugnay sa isyung lumaki na umano ang ulo niya at nagbago na ang ugali niya. Ito ay matapos umano ang tinatamo niyang kasikatan matapos niyang sumalang sa Binibining Pilipinas kung saan tinanghal siyang first runner up. Ani Herlene, sa kasalukuyan ay hindi na lang sa kanya nanggagaling ang desisyon at dapat niyang isa-alang-alang ang desisyon ng mga taong nag-aalaga sa kanya. Matatandaang nauna na ring inalmahan ng manager niyang si Wilbert Tolentino ang isang blind item na aniya ay alam niyang si Herlene ang tinutukoy.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate