Paolo Contis sa bashers: "'Yung pinagkamalian ko nga nag-move on na, move on ka na rin"

Paolo Contis sa bashers: "'Yung pinagkamalian ko nga nag-move on na, move on ka na rin"

- Nagbigay pahayag si Paolo Contis sa mga bashers niya lalo na ang patungkol sa kanyang pagiging isang ama

- Matatandaang sa pagpasok ni Paolo bilang isa sa bagong host ng Eat Bulaga, mas lalong pinukot ng isyu si Paolo

- Ani Paolo, madaling sabihin na hindi umano siya naaapektuhan sa mga bashers subalit aminadong mas masarap umanong makakita ng suporta mula sa netizens

- Aniya, hindi niya iniiyakan ang bashing subalit aminadong iniiyakan ang mga ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tila natagalan bago pa magsalita si Paolo contis patungkol sa kabi-kabilang mga pamba-bash na kanyang natamo mula nang maging host siya ng Eat Bulaga.

Paolo Contis sa bashers: "'Yung pinagkamalian ko nga nag-move on na, move on ka na rin"
Paolo Contis (Sparkle GMA Artist Center)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na maging ang personal na buhay kasi ni Paolo lalo na sa pagiging isang ama ang madalas na naipupukol sa kanya.

Read also

Paolo Contis sa nagsasabing namimigay siya ng premyo pero hindi sustento: "bobo"

Subalit ang isa sa labis na pumukaw ng atensyon niya ay ang mensahe mismo sa kanya ng isang basher na binato siya ng mga pagmumura at ang masaklap, hiniling pa nitong siya'y mamatay na.

"San galing 'yung galit niya sa'kin? Okay sa'kin ang constructive criticism especially alam ko ang pinasok ko sa Eat Bulaga. I accept criticisms na nakukuha namin. Because Bagito kami, bago kaming host, mahirap talaga 'yung pinasok namin. Pero san galing yun? Hindi ako naapektuhan pero para basahin mo'yan, galit 'yan eh" ani Paolo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nilinaw ni Paolo na hindi umano siya naaapektuhan sa mga ganitong klaseng pambabatikos subalit aminadong napapagod din siyang makabasa ng mga ito.

"Madaling sabihin na hindi ka apektado. Pero minsan, masarap din makakita o makadinig ng sumusuporta sa'yo. Hindi ako naapektuhan sa bashing, napapagod ako"

Read also

Alyssa Alvarez, umalma sa mga kumuwestiyon bakit hindi daw siya na-gong

"Let's face it, marami akong nasaktang mga tao. but who hasn't. 'Wag mong idamay ang peronal kong mali sa trabaho ko. Kasi ang trabaho ko. mina-master ko 'yan," pahayag ni Paolo.

"'Yung pinagkamalian ko nga nag-move on na, move on ka na rin siguro," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng talakayan nila ni Ogie Diaz mula sa YouTube channel nito:

Si Paolo Contis ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Nagsimula siya bilang isang child star at hanggang ngayon at aktibo pa rin sa showbiz. Katunayan, isa si Paolo sa napiling maging host ng Eat Bulaga matapos na umano'y lisanin nina Tito, Vic at Joey ang TAPE Inc. noong Mayo 31.

Samantala, matatandaang naging usap-usapan din noon si Paolo dahil sa hiwalayan nila ni LJ Reyes at labis ding gumawa ng ingay ang isyu sa pagiging ama ni Paolo na aminadong hindi nakapagbibigay umano ng sustento sa mga anak. Kabi-kabilang pambabatikos ang natamo ng aktor dahil dito at hanggang ngayon ay tila hindi pa ring humuhupa ang kontrobersiyang ito tungkol sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel