Kai ng PBB Gen 11, hinangaan sa ipinakitang reaksyon nang makasama ang tunay na ina

Kai ng PBB Gen 11, hinangaan sa ipinakitang reaksyon nang makasama ang tunay na ina

- Hinangaan ng marami si Kai ng PBB Gen 11 dahil sa ipinakitang reaksyon nang makasama ang tunay na ina

- Sumailalim sa DNA test ang mag-ina na siyang nagkumpirma na nahanap na nga nila ang isa't isa

- Walang bahid si Kai ng anumang sama ng loob sa tunay na ina na nagawa rin niyang patawarin

- Masaya pa nga itong nakasama ang dalawa niyang ina sa loob pa ng bahay ni Kuya

Umani ng papuri ang Pinoy Big Brother Gen 11 na si Kai sa ipinakita nitong reaksyon at ugali nang tuluyan na niyang makasama ang kanyang tunay na ina.

Kai ng PBB Gen 11, hinangaan sa ipinakitang reaksyon nang makasama ang tunay na ina
Kai ng PBB Gen 11, hinangaan sa ipinakitang reaksyon nang makasama ang tunay na ina (Pinoy Big Brother)
Source: Youtube

Matatandaang sumailalim sa DNA test si Kai at ang kanyang inang si Jean. Ito ang proseso na siyang nagkumpirma na si Kai nga ang hinahanap na anak ni Jean.

Nang magkita, umapaw talaga ang emosyon at madalas yumakap si Kai sa tunay na ina.

Read also

Gigi De Lana, sinagot bakit tinuloy pa noon ang shows sa kabila ng pagpanaw ng ina

Ayon pa kay Kai, labis niyang nauunawaan ang naging desisyon ni Jean at malaki ang pasasalamat niyang napunta siya sa mga mabubuting tao na siyang nagpalaki sa kanya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nasabi rin ni Kai na pinatawad na niya ang ina nang buong puso.

Dahil dito, kabi-kabila ang komento ng paghanga ang natanggap ni Kai. Narito ang ilan sa kanilang naging reaksyon:

"Kai’s mindset and maturity is one of the reasons why she’s my big winner"
"Ang bait ni Kai. Pinalaki talaga siya ng maayos"
"You're so beautifil inside and out kai, kudos po kay mommy flora mae... pinalaki nya c kai na maayos and respect talaga..."
"Grabe luha ko. Napakabait na bata at maganda pagpapalaki sa kanya ng foster parents niya"
"Kai's foster mom really raise her well. She has a very generous heart."

Read also

Gigi De Lana, emosyonal na inalala ang huling usap nila ng ina bago ito pumanaw

Narito ang kabuuan ng naturang episode mula sa Pinoy Big Brother YouTube:

Ang Pinoy Big Brother ay isa sa popular na reality show ng ABS-CBN na nagsimula noong 2005. 13 na mga housemates ang nanatili sa bahay ni kuya subalit apat lamang ang natira upang masungkit ang pagiging isang big winner. Si Nene Tamayo ang kauna-unahang big winner ng PBB.

Samantala, ilan sa mga big winners din ang namamayagpag ngayon sa showbiz tulad nina Kim Chiu na kauna-unahang big winner ng teen edition. Matatandaang kasama rin niya roon si Gerald Anderson. Gayundin si Melai Cantiveros na big winner ng PBB double-up kung saan nakasama niya ang kanya ngayong mister na si Jayson Francisco. Ilan pang big winners na pinalad sa showbiz ay sina James Reid, Maymay Entrata at Daniel Matsunaga.

Bagama't hindi naging big winner, marami rin ngayong showbiz personality ang naunang namayagpag sa PBB. Ilan sa kanila ay sina Maris Racal, Loisa Andalio, Heaven Peralejo, Matt Evans, Beauty Gonzales, Robi Domingo, Barbie Imperial, Elisse Joson, Ryan Bang, Yen Santos, Jane Oineza at maging si Joshua Garcia.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica