Segment writer ng TAPE Eat Bulaga, nagsalita: "itigil na nila ang paggamit ng EB Happy"
- Idinetalye ng segment writer ng Eat Bulaga ang nangyari sa segment nitong EB Happy
- Ang naturang writer ang nakaisip din umano ng pangalan ng segment na EB Happy
- Naging bahagi siya ng naturang programa sa loob lamang ng dalawang linggo dahil sa umano'y hindi pagkakaunawaan ng iba pa ng mga writer
- Sa ngayon, ang pakiusap na lamang niya ay ang itigil na sana ang paggamit ng pangalan ng segment na siya ang nakaisip
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nagsalita na ang segment writer ng Eat Bulaga na si Jerricho Sison Calingal tungkol sa naganap di umano sa kanila ng mga kapwa niya writers ng programa ng TAPE Inc.
Sa programa ni Romel Chika, nilahad ni Jerricho ang mga pangyayari kung saan dalawang linggo lamang ang itinakbo kanyang pagiging manunulat ng programa subalit patuloy na ginagamit ang pangalan ng segment na siya umano ang nakaisip.
"Tinanggap ko po yung trabaho bilang writer kasi alam ko po na meron po akong maisi-share na bago and then ayaw po nila maalis masyado sa EB, Ginamit ko pa rin po yung EB nilagyan ko po ng Happy pero ang ibig sabihin po ng EB Happy na nirehistro ko rin po sa IPO... hindi ko siya dapat ire-register kung di nila 'to ginawa sa'kin."
"'Yung EB happy, that's my idea. The content is our idea," paglilinaw pa ni Jerricho.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
"'Ni-register ko yung EB Happy siyempre hindi Eat Bulaga Happy, it's Everybody Happy," dagdag pa nito.
Naikwento rin niya ang ilang mga kaganapan sa kanilang mga kapwa niya writer kung saan humantong sa puntong hindi sila naipakilala ng maayos bilang utak ng mga bagong segments ng programa na hanggang ngayo'y nagagamit umano kahit hindi na siya pinabalik pa sa programa.
"Wala akong problema sa iki-credit grab mo at the moment. Pero 'yung hindi mo talaga kami i-acknowledge... kasi hindi niya kami pinakilala talaga e."
Kaya naman, pakiusap ni Jerricho na itigil na umano ang paggamit ng EB Happy na aniya'y intellectual property niya subalit hindi na siya bahagi pa ng kasalukuyang Eat Bulaga.
"Pag-isipin nyo po ng ibang title at format ang mga writers nyo. Huwag po sana kayong mapagsamantala. Again MAAYOS po akong nakipagusap sa inyo," ang bahagi naman ng kanyang FB post kamakailan.
Samantala, narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Romel Chika.
Ang Eat Bulaga ang itinuturing na longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo kung saan sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang orihinal na hosts ng naturang programa. Una itong napanood noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng anim na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob naman ng 28 na taon.
May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host na piniling sumama pa rin sa kanila. Hulyo 1, emosyonal silang humarap sa publiko sa bago nilang programa na E.A.T.
Samantala, ilan sa mga pumalit na host ng Eat Bulaga sina Isko Moreno at Paolo Contis. Kamakailan, naglabas ng saloobin si Paolo sa mga nagsasabing 'Fake Bulaga'. Ayon kay Paolo, walang peke sa ipikikita nilang pagmamalasakit at pagbibigay saya sa kanilang mga manonood.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh