Tito Sotto kung gamitin ng EB ang footages ng TVJ: "Puwede silang kasuhan ulit"
- Tila nagbabala si dating Senator Tito Sotto patungkol sa paggamit ng kanilang larawan at footages sa anibersaryo ng 'Eat Bulaga'
- Marami ang nag-aabang sa kung paano magdiriwang ng anibersaryo ang 'Eat Bulaga' gayundin ang E.A.T. na bagong programa ng TVJ
- Nabanggit ni Cristy Fermin sa programa niyang SNN na sakaling magamit nga ng 'Eat Bulaga' ang dating mga footages ng TVJ, maari umano itong makasuhan
- Matatandaang Mayo 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam ng TVJ sa TAPE at makalipas ang isang buwan, nagsimula ito ng bagong programa sa TV5
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
May babala umano si dating senador Tito Sotto sakaling magbalak na gamitin ng Eat Bulaga ang dati nilang mga footages sa programa.
Natalakay muli ito sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez.
Ani Cristy, nabanggit umano ng senador na posibleng kasuhan muli nila ang TAPE kung gagamitin ng mga ito ang dating footage ng TVJ bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-44 anibersaryo ng longest running noontime show.
"Sabi nga ni dating senate president Tito Sotto, kapag may ginamit na footage namin na wala manlang pahintulot panibagong kasuhan na naman ito," ani Cristy.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kaya naman masasabing kaabang-abang ang mga posibleng mangyari sa Hulyo 24 sa Eat Bulaga at sa bagong programa nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon na E.A.T.
Samantala, narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy mula sa YouTube channel nila na Showbiz Now Na!:
Ang Eat Bulaga ang itinuturing na longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo kung saan sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang orihinal na hosts ng naturang programa. Una itong napanood noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng anim na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob naman ng 28 na taon.
May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host na piniling sumama pa rin sa kanila. Hulyo 1, emosyonal silang humarap sa publiko sa bago nilang programa na E.A.T.
Samantala, kabi-kabila ang mga naging espekulasyon ng publiko sa pagkakaroon ng bagong programa ng TVJ na E.A.T. Mayroon kasing mga nagsasabing sana'y hudyat na ito ng pamamahinga ng tatlo na sinagot naman di umano ng isa sa kanila na si Joey De Leon. Ayon kay Joey, hindi dapat umano nangingialam ang netizen na nagsabing mamahinga na sila gayung sila ang may kakayanan at kagustuhan na ipagpatuloy pa rin ang pagbibigay saya at tulong sa publiko.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh