Joey De Leon sa bashers: "'Wag mong pakialaman ang tao pag gustong magtrabaho"
- Nagbigay ng kanyang pahayag si Joey De Leon sa kanila umanong mga bashers
- Ito ay matapos na makatanggap ng mga komentong 'matatanda na sila ng TVJ' at magbigay pagkakataon naman sa iba
- Tila ito ang unang pagkakataon na nagbigay si Joey ng mensahe sa mga umano'y bumabatikos sa pagkakaroon pa rin muli nila ng noontime show
- Sa July 1, pinakaabangan ng marami ang pagbabalikg noontime ng TVJ at ng mga Legit Dabarkads
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Hindi na pinalampas ni Joey De Leon ang kanila umanong mga bashers na nagsasabing 'matatanda na sila' at ibigay na dapat ang pagkakataong mag-host sa iba.
Nalaman ng KAMI na habang karamihan ay nadurog ang puso sa pamamaalam ng TVJ sa TAPE dahilan para maiwan din nila ang Eat Bulaga sa GMA 7, may ilang mga nagsasabing dapat naman na itong mangyari upang makapahinga na sina Tito Sotto, Vic Sotto at si Joey.
Inalamahan ito ni Joey at sinabing walang sinuman man ang makapagsasabi hanggang kailan gustong magtrabaho ng isang tao at sa kung para kanino niya ito ginagawa.
"Oy ang tatanda niyo na, pagbigyan niyo na 'yung mga bata. Well eto, para sa'yo to. Ikaw, pwede ka na palang ilibing. Kung ganu'n tumahimik ka na. Kasi ibiga sabihin, ito may galit na ako e. Kasi pakialamera o inggitera kayo. Inggitero o inggitera, Ang tao, hangga't gustong gumalaw, hayaan mong gumalaw. Kung gusto mong magtrabaho, pabayaan mong magtrabaho. 'Pag nagkakaedad kayo, malalaman niyo yan pagtanda niyo. Kung umabot pa kayo. Kaya ka nagtatrabaho pagtanda mo, hindi na sa sarili mo 'yun. Hindi na para sa sarili mo. Para na 'yan sa ibang tao."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Alam mo, 'pag naranasan mo 'yung naranasan namin na 44 years. Nag-eenjoy kami. Kung pwede nga lang bang maranasan ang another life, para maranasan lang 'yung enjoyment sa trabaho na 'yun, iba yung trabaho namin e, yun dun pa lang yun. Hindi pa 'yan yung in general na trabaho. 'Wag mong pakialaman ang tao pag gustong magtrabaho."
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Facebook live sa TVJ:
Si Joey De Leon, ay isang komedyante, songwriter at isa sa mga haligi ng 'Eat Bulaga'. Siya rin umano ang nakaisip ng pangalan ng programang minahal ng mga Pilipino sa loob ng 44 taon.
May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating 'Eat Bulaga' host na piniling sumama pa rin sa kanila. Sa ngayon, isa sa mga pinakaabangan ng marami ay kung ano ang magiging pangalan ng kanilang noontime show sa bago nilang tahanan at mapapanood simula July 1.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh