Joey De Leon: "Kahit anong title, tayo Dabarkads forever"

Joey De Leon: "Kahit anong title, tayo Dabarkads forever"

- Nakipagkumustahan si Joey De Leon sa kanilang mga Dabarkads sa pamamagitan ng Facebook live

- Maraming naikwento si Joey sa halos isang oras niyang live video at ilan dito ay ang mga pinagdaanan nila sa 'Eat Bulaga' sa loob ng 44 na taon

- Pinasalamatan din niya ang kanilang supporters at sinabing mag-abang lamang sa mga susunod na mangyayari

- Aniya, kahit ano pa man ang maging pangalan ng bago nilang programa, mananatili umano silang dabarkads, "forever"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang nakipagkumustahan si Joey De Leon sa kanilang mga 'dabarkads' sa pamamagitan ng Facebook live sa kanilang bagong page na TVJ.

Joey De Leon: "Kahit anong title, tayo Dabarkads forever"
Joey De Leon (@angpoetnyo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na kabi-kabila ang guestings ni Joey na nagpapaunlak ng panayam upang maibulalas din ang kanyang saloobin sa nangyayari sa kanilang TVJ at producer ng Eat Bulaga, ang TAPE Inc.

Read also

Joey De Leon: "Kung saka-sakali, kami ang kauna-unahang show na kalaban din ang show namin"

Sa kanya namang live video ngayong Hunyo 17, marami rin siyang naikwento sa mga supporters nilang nanood.

Ilan sa mga ito ay ang mga pinagdaanan nilang mga orihinal na host ng Eat Bulaga na sina Tito at Vic Sotto.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakipagkulitan din sa naturang live ang kanyang apo na si Jakob na napakanta pa ng theme song ng Eat Bulaga at ng sumikat na novelty song ng kanyang lolo na may pamagat na "Itaktak Mo."

Bago matapos ang kanyang live, pinasalamatan niya ang kanilang mga Dabarkads sa iba't ibang panig ng mundo.

"I love you. Thank you for loving us. Mga Dabarkads, love you and miss you. Pero abangan na lang natin."

Paalala pa niya, "Kahit anong title, tayo Dabarkads forever."

Narito ang kabuuan ng kanyang Facbook live mula sa kanilang page na TVJ:

Read also

Apo ni Joey De Leon, kinanta ang theme song ng Eat Bulaga sa live video

Si Joey De Leon, ay isang komedyante, songwriter at isa sa mga haligi ng 'Eat Bulaga'. Siya rin umano ang nakaisip ng pangalan ng programang minahal ng mga Pilipino sa loob ng 44 taon.

May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating 'Eat Bulaga' host na piniling sumama pa rin sa kanila. Sa ngayon, isa sa mga pinakaabangan ng marami ay kung ano ang magiging pangalan ng kanilang noontime show sa bago nilang tahanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel