Joey De Leon, inilalaban umano ang 'Eat Bulaga': "Malapit na ang paghuhukom"
- Sa panayam sa kanya ni Julius Babao, nabanggit ni Joey De Leon na inilalaban nila ang pangalang 'Eat Bulaga'
- Nasabi niyang malapit na umano ang paghuhukom, sa kung sila pa rin ang maaring gumamit nito sa kanilang gagawing programa sa TV5
- Matatandaang makailang beses na nabanggit ni Joey kung paano niya naisip ang pangalang Eat Bulaga sa kusina lamang nina Tito Sotto
- Aniya, nasa batas umano na kung sino ang nakaisip, sa kanya ito hanggang pumanaw at maging 50 taon pa ang makalipas
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Isa sa mahahalagang detalyeng naibahagi ni Joey De Leon sa panayam sa kanya ni Julius Babao ay ang umano'y ginagawa nilang aksyon sa pangalan ng 'Eat Bulaga.'
Nalaman ng KAMI na nabanggit ni Joey na ito umano ang nangyayari ngayon kung saan inilalaban pa rin nilang madala ang pangalan ng longest-running noontime sa Pilipinas at maging sa buong mundo.
"Yun ang nangyayari ngayon. yun yata nangyayari ngayon. So, we'll see. Malapit na o, malapit na ang paghuhukom"
Sumagi rin sa isip nila na palitan o mag-isip ng bagong ipapangalan sa kanilang mga magiging palabas sa TV5.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Ako mahaba. Mahaba title ko e. Well ang kalahati nun galing kay MVP ata e. Nagbibiro rin siya pero sabi ko, maganda 'yun ah. Kaya lang dinugtungan ko. 'This is NOT Eat Bulaga... But this is IT"
Gayunpaman, umaasa silang mapapasakanila pa rin ang pangalan ng programa na siya ang nakaisip.
"Nasa batas 'yan Jules. Nakasulat e, Kung sino ang nakaisip, sa kanya 'yan. Until his death, plus 50 years after his death demise."
Narito ang kabuuan ng mga pahayag ni Joey mula sa YouTube channel na Julius Babao Unplugged:
Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong sumaere noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon. Si Joey De Leon, na isa sa mga haligi ng Eat Bulaga ang siyang nakaisip din ng pangalan ng programang minahal ng mga Pilipino sa loob ng 44 taon.
May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh