Joey De Leon sa GMA: "Oy, seven! Kayo ba tumawag na oy, okay ba kayo?"

Joey De Leon sa GMA: "Oy, seven! Kayo ba tumawag na oy, okay ba kayo?"

- Naglabas ng saloobin si Joey De Leon kaugnay pa rin sa kontrobersiya sa pagitan nilang TVJ at TAPE Inc.

- Isa na rito ang tungkol sa GMA na tila hindi umano sila nakumusta matapos silang mamaalam sa kanilang producer

- Aniya, mabuti pa umano si Susan Co ng Puregold, ang isa sa mga sponsors ng Eat Bulaga na agad silang tinawagan para kumustahin

- Sa ngayon, pinaghahandaan na nila ang programa nila na nakatakdang ipalabas sa TV5

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa kauna-unahang pagkakataon, naglabas ng saloobin si Joey De Leon sa GMA 7 patungkol sa kontrobersiyal na pamamaalam ng 'Tito, Vic and Joey' sa producer ng Eat Bulaga, ang TAPE Inc.

Joey De Leon sa GMA: "Oy, seven! Kayo ba tumawag na oy, okay ba kayo?"
Joey De Leon (@angpoetnyo)
Source: Facebook

Sa panayam sa kanya ni Julius Babao, naisiwalat ni Joey na hindi manlang umano sila nakumusta ng GMA 7 matapos ang paglisan nila sa programang patuloy pa ring napapanood sa naturang network.

Read also

Cristy, hanga sa paninindigan ni Alden: "di natatakot sa kung ano ang sasabihin ng ibang tao"

Naikwento ni Joey ang agarang pagkumusta sa kanila ni Susan Co ng Puregold. Ayon sa kanya, naging emosyonal siya sa tawag na iyon dahil sa pagmamalasakit at respetong natanggap niya mula sa sponsors nila.

"Kaya ako naiyak sa show ni ni Cheryl Cosim, hindi na dun dahil sa show ah, well konektado. Pero dahil sa ibang tao, Dahil ang yabang ko pa kay Susan e, (Susan ng Puregold) ah, okay lang kami, talagang nung point na 'yun okay ako e. No, 'wag niyong pansinin 'yung ginagawa namin. Ang tinatanong ko, kung okay kayo. Bumigay ako," ani Joey na ikinuwento ang tawag ni Co sa kanya na hindi inisip ang Php3 million na advance sponsorship sa Eat Bulaga kundi ang saloobin nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa mga panahong iyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Paolo Ballesteros sa pagsama sa TVJ: "hindi mo na iisipin anong work mo bukas or whatever"

Mas lalo pa umanong naantig ang damdamin ni Joey sa tawag na iyon ni Co, dahil ang naging tahanan nila sa loob ng 28 taon ay hindi manlang umano sila nagawang kumustahin.

"E 'yung 7. Oy, 7 Kayo ba tumawag na oy! Okay ba kayo? Well e, ganun talaga" pagbabahagi ni Joey.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Julius Babao Unplugged:

Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong sumaere noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon. Si Joey De Leon, na isa sa mga haligi ng Eat Bulaga ang siyang nakaisip din ng pangalan ng programang minahal ng mga Pilipino sa loob ng 44 taon.

Read also

Jose, Wally at Paolo sa pagkalas ng TVJ sa TAPE: "Puzzled syempre, gulong-gulo"

May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica