Vic Sotto, sinegundahan ang nasabi ni Tito Sotto: "Lahat ng katotohanan nailahad na niya"

Vic Sotto, sinegundahan ang nasabi ni Tito Sotto: "Lahat ng katotohanan nailahad na niya"

- Nagsalita na rin si Vic Sotto kaugnay sa isyu ng kanilang programang "Eat Bulaga"

- Matatandaang una nang naglabas ng kanyang pahayag si dating Senator Tito Sotto ukol dito

- Sinegundahan ito ni Vic at sinabing ang lahat ng nasabi ni Tito Sen ay totoo

- Gayunpaman, isa lang umano ang masisiguro ni Vic at ito ay ang pananatili ng "Eat Bulaga"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay na rin ng kanyang pahayag si Vic Sotto bilang isa sa mga umano'y haligi ng programang Eat Bulaga.

Vic Sotto, sinegundahan ang nasabi ni Tito Sotto: "Lahat ng katotohanan nailahad na niya"
Tito, Vic and Joey (Eat Bulaga)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sinesegundahan niya ang kapatid na si dating Senator Tito Sotto na nauna nang maglabas ng pahayag tungkol sa kontrobersiyang nagaganap sa longest running noontime show sa buong mundo.

Ani Vic, lahat ng nasabi ng kapatid ay pawang katotoohanan lamang kabilang na ang umano'y Php40 talent fee na 'di pa umano sa kanya naibibigay ng TAPE Inc.

"Nasabi na lahat ni Tito Sen. And lahat ng katotohanan nailahad na niya. Wala na akong maidadagdag pa roon."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Wala na akong aalisin o idadagdag. Basta isa lang masasabi ko, Eat Bulaga is here to stay," ang pagsisiguro ni Vic.

"Sa tagal naman e, sa haba nung delay kay aumabot ng ganun. Pero sabi ni Joey wala 'yun... wala 'yun. Gano'n namin kamahal ang Eat Bulaga e," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Frontline Pilipinas ng News5:

Si Vic Sotto ay isang komedyante, singer at TV host kasama ng kanilang trio na TVJ o Tito, Vic and Joey. Sa ngayon, pitong taon na silang kasal ng kanyang co-host na si Pauleen Luna.

Kamakailan, nagdiwang si Vic ng kanyang ika-69 na kaarawan sa Eat Bulaga. Wala siyang ibang naging mensahe sa publiko kundi ang nakasulat na "TVJ"sa kanyang jacket na suot nang araw na iyon.

Matatandaang sa panayam kay Senator Tito Sotto, inilahad niyang ipinagbabayad umano ng buwis si Vic sa Eat Bulaga subalit hindi naman daw nito natatanggap ang kanyang sahod. Dala ng kanilang pagmamahal sa programa, patuloy pa ring napapanood ang Tito, Vic and Joey sa araw-araw ng kulitan ng mga dabarkads sa Eat Bulaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel