Vic Sotto, "TVJ" ang nag-iisang mensahe sa para sa kanyang kaarawan

Vic Sotto, "TVJ" ang nag-iisang mensahe sa para sa kanyang kaarawan

- Nagdiwang ng kanyang ika-69 na kaarawan si Vic Sotto sa Eat Bulaga

- Nag-iisa lamang umano ang mensahe niya para sa kanyang espesyal na araw at ito ay nakamarka sa suot niyang jacket

- Naroon din sa pagdiriwang sina Tito Sotto at Joey De Leon na kasama rin ni Vic na kumanta ng ilan sa kanilang mga sikat na awitin

- Kamakailan, kabi-kabilang panayam ang ginawa ni Tito Sotto kaugnay sa kontrobersiyang kinakaharap ng Eat Bulaga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagdiwang si Vic Sotto ng ika-69 na kaarawan sa Eat Bulaga noong Sabado, April 29.

Vic Sotto, "TVJ" ang nag-iisang mensahe sa para sa kanyang kaarawan
Vic Sotto (Eat Bulaga)
Source: Youtube

Masayang kantahan at kulitan ang naging bahagi ng selebrasyon na sinaluhan din nina Tito Sotto at Joey De Leon.

Inuna na ni Vic na ibigay ang kanyang mensahe na labis na pinalakpakan ng mga Dabarkads.

Read also

Angeline Quinto, pinakita ang 1st birthday celebration ng anak niyang si Sylvio

"Isa lang ang message ko ngayong birthday kong 'to... Eto," sabay talikod upang ipakita ang mga letra sa likod ng kanyang jacket na 'TVJ' na ang kahulugan ay Tito, Vic and Joey na pawang mga orihinal na host ng Eat Bulaga.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa naturang selebrasyon, kasama rin ni Vic ang misis niyang si Pauleen Luna at anak na si Tali.

Nagpaunlak din ng ilang awitin ang TVJ lalo na si Vic Sotto na piangbigyan din ang song request ng kano

Narito ang kabuuan ng masayang kaarawan ng kanilang 'Bossing Vic' sa Eat Bulaga:

Ang Eat Bulaga ang longest running noontime show sa Pilipinas at maging sa buong mundo na unang napanood noong 1979.

Inulan ng espekulasyon ang programa kabilang na rito ang pagkawala umano ng ibang mga host ng noontime show maging ang Tito, Vic and Joey o TVJ na siyang maituturing na haligi ng Eat Bulag.

Read also

Angeline Quinto, todo-iyak matapos mapanood ang Rewind ng DongYan

Kaugnay nito, nagpaunlak ng panayam si Mayor Bullet Jalosjos, Chief Finance Officer ng TAPE Inc., sa programang Fast Talk with Boy Abunda tungkol sa isyu. Naglabas siya ng mga pahayag mula sa TAPE, tungkol sa rebranding umano na magaganap sa programa.

Matapos ito, kabi-kabilang interviews din ang pinaunlakan ni Senator Tito Sotto upang ibahagi naman ang panig nila bilang host ng nasabing programa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica