Angeline Quinto, todo-iyak matapos mapanood ang Rewind ng DongYan

Angeline Quinto, todo-iyak matapos mapanood ang Rewind ng DongYan

- Hindi napigilan niAngeline Quinto na maiyak matapos mapanod ang pelikulang Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Aniya ay tinamaan siya sa sinabi ni Marian sa pelikula at bumalik sa kanya ang alaala nung nawala ang kanyang mama

- Andaming nagbalik daw sa nangyari sa buhay niya kaya mas pinapahalagahan niya ang mga panahon na iyon sa kanyang buhay

- Kabilang si Angeline sa mga nanood ng premiere night para sa MMFF movie na Rewind

Naiyak nang husto si Angeline Quinto matapos mapanood ang pelikulang Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Aniya, maraming pangyayari sa kanyang buhay ang nag-flashback nang mapanood niya ang pelikula.

Angeline Quinto, todo-iyak matapos mapanood ang Rewind ng DongYan
Angeline Quinto, todo-iyak matapos mapanood ang Rewind ng DongYan (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Jennica Garcia, pinag-sampol ang nanay ng movie lines nito: "Na-tonta tuloy ako ng nanay ko"

Ani Angeline ay tinamaan siya sa sinabi ni Marian kay Dingdong sa naturang pelikula. Aniya, nanumbalik sa kanya ang pagkawala ng kanyang Mama Bob.

Si Angeline Quinto ay kilalang mang-aawit na kinalaunan ay gumawa na rin ng pelikula at mga TV shows. Nakilala siya sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa singing contest na Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge teleserye at pelikula.

Sa isang vlog ay inamin ni Angeline na siya ang unang nagsabi ng "I love you" sa kanyang boyfriend na si Nonrev Daquina. Ito ay kanyang naibahagi sa YouTube video ni Luis Manzano kung saan nakapanayam niya sina Angeline at Nonrev sa kanyang segment na Luis Listens. Ito umano ang kauna-unahang panayam na pinaunlakan nilang magkasama lalo at mahiyain umano si Nonrev. Nakwento din ng dalawa ang kanilang problemang pinagdaanan kabilang na ang pagtutol ng manager ni Angeline sa relasyon nila.

Read also

Rob Gomez: "My phone is still not in my possession"

Naibahagi ni Angeline ang video ng kanyang pagprank kay dating Manila Mayor Isko Moreno nang i-guest siya nito sa kanyang online show. Nagkunwari si Angeline na masama ang kanyang pakiramdam at sinimulan niyang ipaalam sa staff ni Yorme na masama ang kanyang pakiramdam. Sa kalagitnaan ng show ay nagkunwari si Angeline na hinimatay siya habang naglalakad na ayon kay Yorme ay talagang ikinataranta niya. Agad umanong pinapatay ni Yorme ang mga cellphone nang makitang natumba si Angge para daw maprotektahan ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel