Jennica Garcia, pinag-sampol ang nanay ng movie lines nito: "Na-tonta tuloy ako ng nanay ko"

Jennica Garcia, pinag-sampol ang nanay ng movie lines nito: "Na-tonta tuloy ako ng nanay ko"

- Pinagbigyan ni Jennica Garcia ang kanyang mga viewers nang tanungin niya ang nanay niyang si Jean Garcia kung ano ang paborito nitong linya sa pelikula

- Nag-isip pa ang nanay niya dahil aniya ay marami siyang movie lines

- Nang mag-umpisa ito ng kanyang linya mula sa kanyang pagganap bilang si Madam Claudia ay hindi maitago ni Jennica ang pagkamangha

- Kinalaunan ay siya ang sumasagot sa linya ng kanyang nanay at nasabihan siyang tonta kaya tawang-tawa ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang video ni Jennica Garcia kung saan tinanong niya ang nanay niyang si Jean Garcia sa favorite movie line nito. Napili ni Jean ang linya niya sa Pangako Sa'yo kung saan gumanap siya bilang si Madam Claudia.

Jennica Garcia, pinag-sampol ang nanay ng movie lines nito: "Na-tonta tuloy ako ng nanay ko"
Jennica Garcia, pinag-sampol ang nanay ng movie lines nito: "Na-tonta tuloy ako ng nanay ko"
Source: Instagram

Napanganga pa si Jennica habang nakikinig sa kanyang nanay. Kinalaunan ay siya na ang sumagot bilang kaeksena nito at nasabihan siyang tonta.

Read also

Jennica Garcia, kinaaliwan sa kanyang post tungkol sa pagsayaw niya kahit mahiyain siya

Tawang-tawa si Jennica sa sinabing ito ng kanyang ina.

Na TONTA pa tuloy ako ni Jean Garcia. Mga tanungan niyo naman kasi sa LIVE! Thank you for making me trend, the 5 Million Live Stream Likes and making me reach 223k viewers. Sa sobrang da best niyo i-mine niyo na Mama ko. Isasama ko siya sa paninda ko pag nag Live Selling na ko. EME. Ily Mom! Stay iconic.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Jennica Garcia ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Nang ikasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco, nagpasya si Jennica na iwan muna pansamantala ang showbiz upang matutukan ang kanilang pamilya.

Sa isang Instagram post ay binahagi ni Jennica ang natanggap na mensahe mula sa kanyang amang si Jigo Garcia. Tinatanong nito ang tungkol sa picture na binahagi ni Jennica at kung bakit ganoon daw ang kanyang suot. Kapansin-pansin din na dalawang beses iyong pinadala at mayroong mga naka-caps lock sa natanggap niyang message. Kaya naman, minabuti umano ni Jennica na burahin na lamang ang kanyang picture kahit hindi pa naman siya sinabihang burahin.

Read also

Ellen Adarna, pinakita kay Derek Ramsay ang kanyang overlined lips

Kasunod ng pag-viral ng kanyang post kung saan ibinahagi niya ang message ng kanyang Papa Jigo, marami sa mga netizens ang nag-udyok kay Jennica na ipakita ang mukha ng kanyang ama. Kaya naman, nagbahagi si Jennica ng "Papa reveal" na post sa kanyang social media account. Ibinahagi niya ang aniya'y isa sa pinakapaborito niyang picture ng kanyang Papa Jigo. Wala itong damit pang-itaas at nakakubli sa isang malaking bato kung saan makikita ang under the sea background.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel