Tito Sotto sa nangyayari sa Eat Bulaga at TAPE Inc.: "We we're hurt, we were disappointed"

Tito Sotto sa nangyayari sa Eat Bulaga at TAPE Inc.: "We we're hurt, we were disappointed"

- Naglabas ng saloobin si Senator Tito Sotto tungkol sa nangyayari ngayon sa pagitan ng 'Eat Bulaga' at TAPE Inc.

- Aminado siyang nasaktan sa mga nangyayari at labis na nadismaya sa umano'y nasabi ni Mayor Bullet Jalosjos sa naging mga interview nito

- Ayon din kay Senator Tito, masasabi niyang sa kanila ang 'Eat Bulaga'

- Paliwanag niya, kanila nina Vic Sotto at Joey De Leon ang Eat Bulaga at ang TAPE Inc. ang siyang pagma-may ari ni Romeo Jalosjos

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling nagbulalas ng kanyang saloobin si Senator Tito Sotto patungkol sa nangyayari umanong kontrobersiya sa pagitan ng TAPE Inc. at Eat Bulaga.

Tito Sotto sa nangyayari sa Eat Bulaga at TAPE Inc.: "We we're hurt, we were disappointed"
Senator Tito Sotto (Showbiz Now Na!)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na nagpaunlak ng panayam ang isa sa haligi ng Eat Bulaga na si Senator Tito kay Cristy Fermin.

Read also

Cristy sa kontrobersiya ng Eat Bulaga: "Alam namin ang totoo pero 'di dapat samin manggaling"

Doon nasabi niya ang mga katagang "We we're hurt, we were surprised, we were disappointed," sa umano'y naging pahayag ni Mayor Bullet Jalosjos, Chief Finance Officer ng TAPE Inc.

Isa rin sa naitanong ni Cristy ay ang pahayag umanong hindi mabubuhay ang 'TVJ' o ang Tito , Vic and Joey kung walang Eat Bulaga.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Sa sinabing hindi mabubuhay ang TVJ pag wala ang Eat Bulaga."Naku, si Vic at si Joey kagabi nung pinag-uusapan namin 'Yun, galit na galit doon sa salita na 'yan."
"Remember, 1979. Kami ang nag-create ah. But, 1976 Discorama na kami. TVJ na kami. Baka hindi pa sila pinanganganak kaya hindi nila alam."
"1978, Iskul Bukol number one primetime show. For 10 years, channel 13."

Dahil dito, buo ang kumpiyansa ni Senator Tito na kanila ang longest-running noontime show sa buong mundo.

Read also

Miss Grace sa balitang may bagong karelasyon ni PK: "Its not new to me anymore"

"Kami po ang may-ari ng programang Eat Bulaga. Ang may-ari ng TAPE ay sina Romeo Jalosjos. 'Yun ang alam namin."
"'Pag tiningnan mo 'yung ika nga ay records or dadalhin mo sa korte 'yung usapan, nakatitiyak ako na kami ang may-ari. Ganu'n ang copyright, with or without a copyright, ganun ganun ang kalakaran sa mundo. Kung sino nag-imbento, sa kanya yun"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!

Ang Eat Bulaga ang longest running noontime show sa Pilipinas at maging sa buong mundo na unang napanood noong 1979.

Kabi-kabilang balita ngayon ang lumalabas at nagsasabing mawawala na umano ang 'Tito, Vic and Joey' na siyang mga original hosts ng programa, 44 taon ang nakalilipas.

Kaugnay nito, nagpaunlak ng panayam si Mayor Bullet Jalosjos, Chief Finance Officer ng TAPE Inc., sa programang Fast Talk with Boy Abunda tungkol sa isyu. Naglabas siya ng mga pahayag mula sa TAPE, tungkol sa rebranding umano na magaganap sa programa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica