Miss Grace sa balitang may bagong karelasyon ni PK: "Its not new to me anymore"

Miss Grace sa balitang may bagong karelasyon ni PK: "Its not new to me anymore"

- Ayon kay Miss Grace, hindi na bago sa kanya ang tungkol sa napapabalitang may bagong karelasyon ang ex-husband niyang si Joel Mondina o Pambansang Kolokoy

- Aniya, mismong ang karelasyon nito ang tumawag sa kanya noong nakaraang taon para sabihin sa kanya ang tungkol sa relasyon nila ni PK

- Exciting naman para sa kanya na nakakatrabaho niya ang ilang vloggers kagaya nina Wander Z at Choose One sa ngayon

- Matatandaang kamakailan lamang ay isinapubliko ni Miss Grace na legally single na siya matapos ma-finalize ang divorce nila ng dating asawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi na daw bago kay Miss Grace ang balita tungkol sa karelasyon ng ex niyang si Pambansang Kolokoy. Sa panayam ng KAMI, nabanggit niyang nakausap niya umano ito sa telepono.

Read also

Maegan Aguilar: "Sa wakas nayakap ko na ulit ang tatay ko"

Miss Grace sa pagkakaroon ng bagong karelasyon ni PK: "Its not new to me anymore"
Miss Grace sa pagkakaroon ng bagong karelasyon ni PK: "Its not new to me anymore" (@withmissgrace)
Source: Instagram

Ito umano mismo ang nagsabi sa kanya tungkol sa kanilang relasyon ni PK.

Its not new to me anymore. She called and told me about the affair last year.

Matatandaang matapos isapubliko ni PK ang tungkol sa kanilang paghihiwalay ay bumuhos ang suporta kay Miss Grace mula sa netizens.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Exciting naman para sa kanya na nakakatrabaho niya ang ilang vloggers at aniya ay na-eenjoy niya ito.

I get to do collaborate and work with different people. I'm meeting more people and just having fun vlogging with Wander Z and Choose One.

Si Miss Grace na unang nakilala bilang si 'Marites' ang dating asawa ng content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy. Tumira siya sa Cotabato at Ilocos bago sila pumunta sa USA. Bata pa lang siya nang lumipat sila sa Amerika sa edad na 9 na taon. Natapos niya ang Doctoral Degree in Nursing.

Read also

Miss Grace, kinaaliwan sa kanyang binahaging kauna-unahang vlog

Matatandaang nagbahagi si Miss Grace ng kanyang mga pictures sa kanyang social media account. Matapos nga silang maghiwalay ni Pambansang Kolokoy ay marami sa mga viewers ng vlog nila ni PK ang naghanap sa kanya. Dahil wala naman siyang sarili niyang YouTube channel ay minabuti na lang niyang ibahagi ang kanyang account sa Facebook at Instagram. Marami ang nakapansin sa kanyang blooming na awra sa kanyang mga pictures na binahagi.

Nag-post din si Ms. Grace ng isang TikTok video kung saan nag-dub siya tungkol sa pagmo-move on. Marami ang naaliw sa kanyang video kung saan sinabi niyang "Pag-naka move-on ka na ay saka mo lang marealize na ang pangit pala ng ex mo." May mga nagkomento sa naturang post at naghayag ng kanilang suporta kay Grace at masaya umano silang makitang nagmo-move on na ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel