Maegan Aguilar: "Sa wakas nayakap ko na ulit ang tatay ko"

Maegan Aguilar: "Sa wakas nayakap ko na ulit ang tatay ko"

- Ibinahagi ni Maegan Aguilar ang picture niya kasama ang kanyang ama na si Freddie Aguilar

- Masaya niyang ibinahagi ang kanyang kasiyahan na muling mayakap ang kanyang ama

- Inihayag niya rin ang kanyang pasasalamat sa kanyang tatay sa aniya ay pagtanggap nito sa kanila

- Binahagi din ni Maegan ang picture niya kasama ang kanyang dalawang anak na babae

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Maegan Aguilar ang kanyang kasiyahan na muli ay nayakap niya ang kanyang tatay na si Freddie Aguilar. Pinasalamatan niya ito sa pagtanggap sa kanya.

Maegan Aguilar: "Sa wakas nayakap ko na ulit ang tatay ko"
Maegan Aguilar: "Sa wakas nayakap ko na ulit ang tatay ko"
Source: Facebook
Sa wakas nayakap ko na ulit ang tatay ko. I love you tay, salamat po sa pag tanggap ninyo sa amin at sa akin ❤️ I missed you so much tay & looking forward to spending more quality time with you and the kids and the rest of our family.

Read also

Michelle Dee: "For Q and A, sayang hindi ako nakahawak ng mic"

Ibinida din ni Maegan ang picture niya kasama ang kanyang mga anak.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Finally with my daughters again! After being away from each other for a while

Maging si Ka Freddie ay binahagi ang pictures nilang magkakasama.

Si Maegan Aguilar ay pangalawa sa limang mga anak ni Freddie Aguilar at ang unang sumunod sa yapak ng kanilang ama pagdating sa hilig sa musika. Si Ka Freddie o Ferdinand Pascual Aguilar sa totoong buhay ay isang kilalang Pinoy folk musician na nakilala sa kanyang awiting "Bayan Ko" at "Anak." Nagsimula siyang magtanghal sa publiko noong 1973 nang makapagtrabaho siya sa Hobbit House sa Ermita, Manila. Matatandaang taong 2018 nang matupok ng apoy ang bahay nina Freddie sa Quezon City. Nakaligtas naman ang kanyang pamilya sa naturang sunog.

Kamakailan inihayag ni Maegan ang kanyang saloobin matapos ang paglabas ng resulta ng ginawang test sa kanya sa programa ni Sen. Raffy Tulfo. Sa kanyang mga live video sa Facebook ay makikita siyang naglalakad at emosyonal. Aniya, naghahanap lamang siya ng mataas na gusali para daw matapos na ang lahat. Sa isang post niya ay sinabi niyang tinatanggalan niya ng karapatan ang kanyang kaanak na lumapit o humawak sa kanyang labi.

Read also

Diego Loyzaga bilang ama: "Di ko paparamdam sa anak ko 'yung naramdaman ko"

Sa post ni Maegan ay inilabas niya ang kanyang sama ng loob sa kanyang pamilya. Kasunod ng kanyang pagtatanggal ng karapatan sa kanyang pamilya na mahawakan o malapitan ang kanyang bangkay, matindi din ang binitawan niyang salita. Idinawit niya ang kanyang ina at kanyang kuya sa pinagbabawal na gamot. Payo naman ng kanyang ina, tanggapin nito ang alok na iparehab siya at magbubukas ang mga oportunidad sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel