Cristy sa kontrobersiya ng Eat Bulaga: "Alam namin ang totoo pero 'di dapat samin manggaling"
- Nagbigay pahayag si Cristy Fermin kaugnay sa kontrobersiyang kinakaharap ngayon ng Eat Bulaga
- Matapos na ilabas ang interview ni Mayor Bullet Jalosjos na isa sa mga executives ng TAPE Inc. nagsalita na rin si Senator Tito Sotto
- Mariing pinabulalanan ni Tito Sotto ang mga naging pahayag ni Jalosjos
- Ayon naman kay Cristy, bagama't may alam umano sila sa katotohanan, wala sila sa lugar para isapubliko ito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Maging si Cristy Fermin ay nagbigay pahayag sa mainit na kontrobersiya ngayon na bumabalot sa Eat Bulaga.
Nalaman ng KAMI na ito umano ay may kaugnayan sa naging pahayag ng Chief finance executive ng TAPE Inc. na si Mayo Bullet Jalosjos na pinabulaanan umano ni Senator Tito Sotto.
Unang nagpaunlak ng interview si Mayor Bullet kina Boy Abunda at maging kay Cristy Fermin. Habang sin Senator Tito Sotto ay nagsalita na rin sa ukol sa issue at karamihan sa mga naging pahayag umano ng ehekutibo ng TAPE ay kanyang pinabulaanan.
"Kaya hanggang ngayon, question mark yan e. Magbibigay ang mga Jalosjos ng kanilang pahayag, may kokontra sa kabilang panig. Para magkita sa gitna dapat harap-harapang ayusin."
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
"Hindi po namin alam kung saan nanggaling at kung paano at saan nanggaling na nakokontrahan na naman po doon sa loob pero walang gustong magsalita. Nakakatakot 'yun e," ang komento ni Cristy tungkol sa kontrobersiyang bumabalot ngayon sa Eat Bulaga.
"Naku, Alam namin ang totoo pero hindi dapat samin manggaling... Hindi totoo yan, 'yang mga sinabi ni Mayor Bullet na 'yan," giit pa ni Cristy.
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa kanyang YouTube channel na Showbiz Now Na!:
Ang Eat Bulaga ang longest running noontime show sa Pilipinas at maging sa buong mundo na unang napanood noong 1979.
Kabi-kabilang balita ngayon ang lumalabas at nagsasabing mawawala na umano ang 'Tito, Vic and Joey' na siyang mga original hosts ng programa, 44 taon ang nakalilipas.
Kaugnay nito, nagpaunlak ng panayam si Mayor Bullet Jalosjos, Chief Finance Officer ng TAPE Inc., sa programang Fast Talk with Boy Abunda tungkol sa isyu. Naglabas siya ng mga pahayag mula sa TAPE, tungkol sa rebranding umano na magaganap sa programa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh