PBB housemates, wagi sa weekly task; emosyonal nang malamang para kay Gin ang napanalunan

PBB housemates, wagi sa weekly task; emosyonal nang malamang para kay Gin ang napanalunan

- Wagi sa kanilang weekly task ang PBB adult housemates na naatasang gumawa ng bahay gawa sa mga bloke ng kahoy

- Bagama't nahirapan ang mga housemates sa task, sa huling minuto ay napagtagumpayan nila ito

- Hindi naman naiwasang maluha ni PBB housemate Isabel nang sabihin na para kay Gin ang kanilang mapapanalunan sa linggong iyon

- Ang bahay kasi ni Gin sa Cebu ay isa sa mga nasalanta ng Bagyong Odette bago matapos ang taong 2021

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napagtagumpayan ng Pinoy Big Brother adult housemates ang kanilang weekly task na magtayo ng bahay na gawa sa iba't ibang kagamitan tulad ng mga bloke ng kahoy.

Karagdagan sa task ang hindi paggamit ng kamay kaya naman naatasan sina Aleck at Michael Ver na gumawa ng mga tools na maari nilang gamitin panghawak sa pagbuo ng bahay.

Read also

Bernadette Sembrano, napahagulgol nang makita ang mga kasamahan sa ABS-CBN

PBB housemates, wagi sa weekly task; emosyonal nang malamang para kay Gin ang napanalunan
Pinoy Big Brother House (Photo from Pinoy Big Brother ABS-CBN)
Source: UGC

Bagama't nahirapan ang mga housemates sa pagbuo, napagtagumpayan nila ang task sa huling minuto na ibinigay sa kanila ni Big Brother.

Lingid sa kaalaman nila na ang pagbuo ng bahay at ang tagumpay nila sa task ay para rin sa isa nilang kasama na si Gin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa kasi ang bahay ni Gin sa mga nasalanta ng Bagyong Odette sa Cebu bago matapos ang taong 2021.

Dahil dito, marami sa ating mga kababayan ang nagdiwang ng Kapaskuhan ng walang kuryente at tubig at ang masaklap, nasira o tuluyang nawalan ng tahanan. Isa ang pamilya ni Gin sa mga dumanas nito.

Kaya naman nang sabihin ni Isabel na makapagpapatayo ng tahanan si Gin dahil sa matagumpay na task, hindi nito naiwasang maluha dahil sa tulong na maibibigay sa kapwa nila housemate.

Read also

Lovely Abella, ibinahagi ang nakakaantig na "huling yakap" ng mister sa namayapang ina

Isa ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Isa si PBB Gin Regidor sa unang sampung housemates na pumasok sa bahay ni Kuya para sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Kamakailan, umantig sa puso ng netizens ang kwento ng isa rin sa mga adult housemates na si Isabel Laohoo na sa kabila ng kinalakhang marangyang pamumuhay ay nakararamdam din ng labis na kalungkutan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel