PBB Nathan at PBB Raf, kinagiliwan ng netizens sa dati nilang video

PBB Nathan at PBB Raf, kinagiliwan ng netizens sa dati nilang video

- Lalong humanga ang mga fans ng magkapatid na sina Nathan at Raf ng PBB adult Season 10 nang mapanood nila ang 2020 video ng dalawa

- Doon makikita ang closeness nina Nathan at Raf na madalas pa raw noong mapagkamalang kambal kahit halos 10 taon ang kanilang pagitan sa edad

- Naikwento rin doon ni Raf na na-contact na pala siya noon ng PBB, subalit makalipas lamang ng dalawang taon saka siya naging opisyal na housemate

- Matatandaang sina Raf at Nathan ang dalawang adult housemates na nauna sa bahay ni Kuya at nabigyan ng task na hindi dapat malaman ng kanilang mga kasama ang kanilang relasyon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang natuwa sa dating vlog ng magkapatid na Pinoy Big Brother adult housemates na sina Nathan at Raf Juane.

Nalaman ng KAMI na ilan sa kanilang mga fans ang nagawang balikan ang video ni Raf kung saan nagawa niyang i-transform ang kanyang kuya Nathan para maging kamukha niya.

Read also

10-anyos na dating nag-aararo, tuluyang nabago ang buhay matapos maitampok sa KMJS

Fans nina PBB Nathan at PBB Raf, binalikan ang kanilang make-up transformation video
Nathan at Raf Juane (Photo from About Raf)
Source: Facebook

2022 pa ang naturang video kung saan kapansin-pansin ang closeness ng dalawa.

Katunayan, madalas pa raw silang mapagkamalang kambal at maraming nagsasabing magkamukha sila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman isa ito sa ikinatakot ni Raf nang pumasok sila sa Bahay ni Kuya lalo na nang malaman niyang napapanood ni Seham ang kanyang mga video.

Matatandaang nauna sila ng kanyang Kuya Nathan sa pagpasok sa PBB house matapos ang celebrity edition.

Nabigyan agad sila ng task kung saan hindi dapat malaman ng mga kapwa housemates nila na sila ay magkapatid.

Samantala, sa naturang vlog din ni Raf nabanggit niyang mismong ang PBB ang kumontak sa kanya at hiningan sila ng mga larawan gayundin ang pictures niya na walang makeup.

At sa pagbubukas ng PBB adult edition ngayong taon, isa nga si Raf at kanyang kapatid sa mga bagong pinakaaabangang housemates sa PBB adult edition Season 10.

Read also

Vice Ganda at kanyang family, masayang sinalubong ang 2022 sa Amanpulo

Bahagi sina Nathan at Raf ng sampung adult housmates ng Pinoy Big Brother Kumunity adult edition season 10.

Bago sila pumasok sa bahay ni Kuya, tinanghal namang top 2 ng celebrity edition sina Anji Salvacion at ang volleyball superstar na si Alyssa Valdez.

Sina Anji at Alyssa ay mula sa Final 5 ng PBB celebrity edition kung saan nakasama nila sa mga huling araw nila sa loob ng bahay ni Kuya sina Samantha Bernardo, Madam Inutz at Brenda Mage.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel